No Erasures. Erasures wrong.
Isa na yan sa mga directions/instructions pag may exam. Hindi naman dahil sa bawal magkamali ang estudyante. Hindi naman sa bawal magdalawang-isip. Nagiging tulong na kasi sa pandaraya ang erasures. Pwedeng burahin ang sagot para mangopya at pwedeng burahin/dagdagan/bawasan ang sagot at ipa-correction pagkatapos ma-check-an.
Pero hindi naiiwasan ang pagkakamali. Paminsan, kahit di ka naman nangopya o hindi ka nangta-tamper ng test paper mo eh nadadali ka ng masamang part ng rule na 'to. Pag nagkamali ka ng spelling ng Czechoslovakia o pag kinulang ka ng isang "s" sa Mississippi. Alam mo yung sagot pero yung pagiging tao mo yung naging dahilan kung bakit naging mali ang tama.
Nakakapikon.
Pero gagawa at gagawa ng paraan ang estudyante. Siyempre, dapat may resilience. Yung pagiging maparaan ba?
"Miss, hindi nga po erasure yan." sabi ng classmate ko sa Math teacher ko nung 4th year high school ako. Hindi ko gusto ang teacher ko na yun dahil sa napapahiya ako sa subject niya dahil hindi ako magaling sa Math at dahil lang hindi kami pareho ng "trip". (Mai-blog ko dapat yun minsan) Masyado siyang matalino sabi ng ibang classmate ko. Tuloy ineexpect niya kami na maging magaling din na parang siya.
"Kasi po..." paliwanag ng classmate ko, "Pencil ko muna po sinulat tapos nung okay na, saka ko pinatungan ng ballpen saka ko inerase yung pencil."
Tahimik pero may katalasang tiningnan ng teacher ko ang kaklase ko saka sinabing, "Ulitin mo."
"Pinencil ko muna po tapos binolpen saka ko inerase."
"Nakikita mo ba ang mali sa sinabi mo?" sabi ng teacher ko na parang wala nang interes makipagusap, "Pinencil mo saka mo inerase. No erasures nga eh."
"Eh hindi nga po erasure yan..."
Nakakapikon pakinggan ang usapang ganito. Hindi naman boba yung classmate ko. Hindi din naman siya yung tipong nangongopya. Sabagay, rules are rules pero kasama ba 'to sa sinasabing "For every rule, there is an exemption?"
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung sino sa kanila ang tama.
June 29, 2009
Wrong Erasures
Tags: Opinyon Pangyayari
About the Author
Simplest
Hello, I'm Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Nunc consectetur nulla id metus consequat convallis. Praesent fringilla nulla eget elit bibendum dictum.