"Form two lines." sabi ng teacher ko sa Speech kanina, "Each group must have the same number of members."
Medyo nahirapan pa kami magbilang dahil ewan. Ang simple lang naman magbilang. Basta ang ending tig-16 members kami. Pinapili ng leader. Pinagtutulakan ko'ng pilit si Neil. Kinunchaba ko na din yung mga members na iba na pag tinanong kung sino leader, si Neil ang isagot. For the lulz lang. Trip lang. Tutal kasiyahan lang naman 'to.
"Choose one leader." sabi ng teacher ko.
"NEEEEEEEEEIL!" sigaw ng group namin.
"The winner of this game will receive an additional five points in the first quiz."
"ZAAAAAAAAAI!" sigaw ng mga kagrupo ko.
Anak ng teteng. Plus five points lang pala ang katumbas para ipagkanulo ako ng mga damuho ko'ng group mates. Hindi man lang ten o twenty. Hindi man lang exemption. FIVE POINTS. Desperate ba kami masyado? With matching ever so bonggang tulakan pa. Ayoko sana kaso "sayang ang five points".
Ako ang leader namin. Si Nikko sa kabila. Ayos, magkasing-edad kami. Haha. Kami kasi ang dalawang 1986 pinanganak sa group namin at siyempre, kahit pa ba ilang bwan lang yun matanda pa rin siya sa kin kaya panindigan ko'ng siya ay 23 na at ako ay sa November pa mag-23.
Habang tinitingnan ko yung pila, parang alam ko na yung lalaruin ko. Yun bang magbibigay ng sentence o tongue twister tapos ipapapasa tapos pagdating sa dulo, isusulat yung nakarating na message.
"You will be playing a message relay."
Ayan na nga ba'ng sinasabi ko. Tama ang hinala ko. Tiningnan ko kung sino ang nasa dulo. Si Lawrence. Ayos, with common sense. At least hindi ako mamomroblema sa spelling niya. Ngayon ang dapat ay makuha ko ng tama yung sentence, ipasa ko sa iba tapos mananalig na lang ako sa mga kagroup ko. Yun lang naman talaga ang magagawa ko.
Pareho kami ng message ng kabilang group. Pinakita na sa min yung message. Ayun na nga, hala ka... Ang haba! Matatandaan ko 'to pero hindi ko alam kung matatandaan 'to ng mga kagrupo ko. Holy sheep! Nilingon ko mga kagroup ko habang hinihimay isa-isa kung kaya kaya nila 'to?
Oo. Kaya nila 'to.
Kaya nila 'to.
DAPAT.
Kala mo life and death situation. Nakakainis ako.
Pinapasa na yung message. Medyo nahirapan ako sa pinasahan ko'ng member kasi nalilito siya sa "has" saka sa "was". Nagkakabaliktad ang words. Nadadagdagan ng mga maliliit na salita. Nagugulo yung message.
Naipasa ko na. Pinanood ko kung papano niya ipinapasa sa iba. Pakiramdam ko, taon ang inabot kada tao para maipasa yung message na pinapapasa. Feeling ko hanggang next subject aabot yung larong 'to.
Nilingon ko yung kabilang group. Akalain mo'ng naka-dalawang tao na kami, sila eh iisa pa lang. Pero katapus-tapusan, nauna yung group nilang matapos. Nauna nilang isulat sa maliit na papel ang sentence nila tapos binigay na nila kay ma'm. Nakupo. Kami ata 5 tao pa. Mahirap din kasing tandaan word-for-word yung sentence. Medyo paimportante pa yung group namin tuloy. Kami lang hinintay.
Matapos ang isang buong season ng Dragon Ball Z, nakarating din sa dulo yung message. Sinulat na sa white board yung message na nakuha ng dalawang nasa dulo.
Eto ang sabi ng group namin:
I was told to be feel good every time in the morning.
Eto naman yung sa kabilang group:
I was throw in the morning.
"Eh kasi naman nasira na kagad nung simula pa lang!" reklamo nung isa.
"Kasi sabi sa kin 'I was told shuwushushurshuwurshu'!" sabi nung isa pa, "Ano kaya yun!?"
Eto nga pala yung message na pinarelay:
I was told to feel good every time I wake up in the morning. So cheer up!
"Ipinasa ko lang yung ipinasa sa kin!" sabi ng isang kagroup ko, "Kung ano narinig ko, yun mismo yung sinabi ko. Kung mali yun at least tama yung maling sinabi ko."
Ang moral lesson dito? Ang chismis ay nagsisimula sa wrong grammar, mga taong interesado lang makarinig at mga baluktot na pangangatwiran.
Buti na lang may plus five kami.
June 16, 2009
The Evolution Of Chismis Begins With Wrong Grammar
Tags: Makulit Pangyayari
About the Author
Simplest
Hello, I'm Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Nunc consectetur nulla id metus consequat convallis. Praesent fringilla nulla eget elit bibendum dictum.