Merong panahon na madalang ako'ng tumambay sa chatroom ng stamariaster. Nung panahon na yun, kahit pumasok ako sa chatroom ng nandun kayo, hindi niyo ko mapapansin. Pero minsan isang gabing naisipan ko'ng tumambay sa chatroom, may nagbanggit ng "love". Wow, love. Ano 'to, high school? Pero dahil may topak ako, naki-ride ako. At dahil nga topak ako, nagsubok ako'ng mag-isip ng kakaibang topic. Napakadaling kumuha ng response pag nabanggit ang topic ng one-sided love. Yung tipong "mahal ko siya ngunit mahal niya ay iba kaya't ako'y nasasaktan, nagtiis at nagdurusa sapagka't ako'y balewala ngunit ano'ng magagawa ko kung mahal ko siyang talaga"... Description pa lang, pang-lyrics na. Super common ang one-sided love dahil halos lahat kung hindi man lahat ay nagdaaan diyan. Kaya papano ko gagawing rare ang isang super common?
Hindi ko na tatanungin kung naging biktima ka na ba ng one-sided love. Kung naranasan mo ng may mahal ka pero hindi ka niya mahal. Kung naramdaman mo na ba ang sakit ng may makita ka'ng mahal siyang iba. Kapag minamalas ka nga minsan, ikaw pa ang magiging taga-salo pag nag-away sila pero wala ka'ng magawa kasi nga iba ang mahal niya. Malamang natanong na sa'yo yun. At malamang din ang sagot mo ay oo na kahit minsan sa buhay mo ay naranasan mo'ng magmahal ng hindi sinusuklian.
Oo, masakit magmahal ng ikaw lang ang nagmamahal. Masakit magmahal ng may mahal siyang iba. Masakit din pag nakikita mo'ng binabalewala ng iba ang mahal mo. Nakakabwisit. Nakakaiyak. Nakakapikon. Nakakalito. Nagtatanong ka kung bakit hindi na lang ikaw eh kaya mo namang alagaan yung taong yun higit pa sa pagmamahal nung kasama niya ngayon! Mahirap magmahal ng one-sided. Alam at naranasan na natin ang kwentong yan.
Pero alam ba nating lahat ang side ng kwento ng minamahal na hindi makapag-return ng pagmamahal?
Akala ng iba masarap ng may nagmamahal sa'yo ng hindi naghihintay ng kapalit. Masarap daw yung may nagpaparamdam sa'yo ng ganun. Masarap yung may naglalambing. Yung papansin. Pa-cute. Papogi. Alam mo na pag nagkagulo, may taong sasalo sa'yo. Alam mo na pag nalungkot ka o naargabyado, hindi ka niya pababayaan kahit hindi ka pa nagsasalita. Alam mo na pag nagkatampuhan kayo ng boyfriend o girlfriend mo, iko-comfort ka niya at kakampihan ka niya. Hahanap siya ng paraan para matulungan ka. Bakit? Dahil may nagmamahal sa'yo. Oo, masarap nga ang ganun. Pero para sa kin, may mga pagkakataong mas mahirap yun kesa masarap.
Siguro sasabihin niyo napaka-ipokrita ko o napaka-plastic. Pano yun naging mahirap? Ni hindi mo nga kailangang magsukli dahil wala ka'ng obligasyon sa kanya at sa kanya din nanggaling na gusto niya ang ginagawa niya!
Mas magiging madali ang mga bagay kung ang taong nagmamahal sa'yo ay open-minded at mature pero kung super pang-high school ang dating niya, mabigat yun sa kalooban. Ewan ko sa inyo pero sa kin mabigat yun.
Mahirap ang nakakasakit ka ng hindi mo gusto o hindi mo sinasadya pero wala ka'ng nagagawa. Ikaw ang mahal niya pero iba ang mahal mo. Mabait siya kaya ayaw mo siyang masaktan pero ang paraan lang para hindi na siya masaktan ay hindi ka niya mahalin. Pero hindi mo hawak yun at pag sinabi mo sa kanyang wag kang mahalin, masasaktan siya. Isa pa'ng paraan para hindi siya masaktan ay makuha ang gusto niya pero pa'no yun? Hindi mo siya mahal. Kailangan mo ba'ng isakripisyo ang kaligayahan mo para lang hindi masaktan ang iba?
Ang mabuting bagay na ginagawa mo ay minsan nagkakaron ng kahulugan. Paminsan kahit hindi naman ganun, lumalabas na nagpapaasa ka. May mga bagay na hindi mo hinihiling na gawin niya pero ginagawa niya at ang lumalabas, mapagsamantala ka. Gusto mo man siyang kasama madalas bilang magkaibigan, hindi mo alam kung papano mo gagawin yun ng hindi mo siya paaasahin; nang hindi ka napupunlaan ng iba; nang hindi ka nagmumukhang mapaglaro. Dadating ang panahon, magsasabi siya sa'yo "Nahihirapan na ko sa nararamdaman ko sa'yo." Para ba'ng nagpapaalam na kasalanan mo pa.
Kahit saan ka pumunta. Kahit ano'ng gawin mo. May masasaktan ka.
Saan ka lulugar?
Hindi man parati, nangyayari yan madalas.
Ang nakikita lang ng mga tao ay yung sakripisyo ng taong one-sided kung magmahal. Iiyak siya paminsan na nahihirapan siyang ganun. Na sana siya na lang ang napili. Kung bakit pa ba niya mahal yung taong yun. May mga ganung tao na sobra magmahal, hindi kaya mag-control. Gagawin lahat at sasabihin lahat para dun sa kanyang iniiiiiiiiiiiiiiirog at pag dahil dun naperwisyo siya, sino'ng may kasalanan?
Para sa kin, kasalanan niya.
Pero madalas, kasalanan yun ng "minamahal niya"
Bakit?
Dahil inabuso niya daw ang one-sided love ng isang inosenteng tao. Nakakatawang nagdudulot paminsan ng simpatiya ang imaturity na kung sino ang umiyak, siya ang kaaawaan.
Ikaw, inabuso ka na ba?
Abuso nga siguro sa'yo kung ikaw na ang gumagawa ng assignment niya. Kung pinapakopya mo siya parati na lang pag exam kaya hindi na siya nag-aaral. Kung ikaw na taga-linis ng sapatos niya o sagot mo lagi ang lunch niya. Abuso na kung taga-sulat ka na ng lecture niya at taga-buhat ng libro. Abuso na kung pati project ikaw na. Abuso na kung hindi ka kinakausap pag okay sila ng syota niya pero 24 hours kang kasama pag war sila (pampaselos lang ba?)
PERO!
Pero hindi lahat ng pagkakataon ganun.
Kung ikaw ang taong "nakakatanggap ng one-sided love", malalaman mo'ng mahirap mapunta sa gitna. Kung papano sasabihing "wag" o "hindi" ng hindi ka nakakaoffend.
Paminsan hindi naman hinihiling pero siya ang kusang gagawa dahil ganun siya at pag sinabi mo'ng wag niyang gawin, lalo siyang magmamatigas. Lalo niyang ipipilit. Pag tinanggap mo, abusada ka. Pag hindi mo tinanggap, wala ka'ng appreciation.
Saan ka nga lulugar?
May nakaisip na kaya na masakit ang mapag-usapan ng ganun? Na may nasasaktan ka pero wala ka'ng magawa kasi yun talaga ang sadya ng pagkakataon?
Hindi mo ginustong maka-offend at gusto mo'ng i-maintain ang friendship kaya pababayaan mo'ng makahalubilo siya. Pag ginawa mo yun, mapapaasa mo siya. Pag hindi mo ginawa, umiiwas ka. Mahihirapan siya. Katapus-tapusan, aabot sa sukdulan ang nararamdaman niya. Hahantong sa napakasakit na realization na "wala talaga".
"Binigay ko lahat sa kanya pero hindi niya ko pinansin... Bakit siya ganun? Bakit?"
Hindi nga kasalanan ng nagmamahal. Hindi rin naman kasalanan ng minamahal. Kawawa yung nagmamahal pero sana naman maintindihan niyo na kawawa din yung minamahal kasi kahit ano'ng gawin niya, may masasaktan at may masasaktan siya.
Kaya ngayon, uulitin natin ang kanina pa'ng tinatanong: SAAN KA LULUGAR?
June 3, 2009
The Other Side Of One-Sided Love
Tags: Madamdamin Opinyon
About the Author
Simplest
Hello, I'm Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Nunc consectetur nulla id metus consequat convallis. Praesent fringilla nulla eget elit bibendum dictum.