June 1, 2009

Pseudo-ing : Pirated "China" Boyfriend/Girlfriend

Alam niyo ba kung ano ang meaning pseudo? Ayon sa wikipedia.com:

The prefix pseudo (from Greek ψευδής "lying, false") is used to mark something as false, fraudulent, or pretending to be something it is not.

Sa tagalog, ang "pseudo" daw ay idinudugtong sa isang salita para maipaihiwatig na ito ay hindi totoo, nanloloko, mapagpanggap o maging isang bagay na hindi naman ganon.

Ano ngayon ang ibig sabihin ng isang "pseudo-relationship"? Kung kukunin natin ang kahulugan ng pseudo, makukuha nating isa itong "fake relationship". Sa isang logical na paliwanag, it makes sense pero sa totoong buhay, may mas malalim pa'ng kahulugan ang pseudo-relationship kesa sa sinasabi ng mga salita nito. Mas mahirap pa 'tong i-solve kesa sa Math; mas madalas pa'ng pagtuunan ng pansin ng mga estudyante kesa sa pag-aaral nila; mas nagiging dahilan ng kawalan ng tulog kesa sa maiingay na kapitbahay na nagvivideoke hanggang madaling araw; at mas nagiging problema pa kesa sa kung papano mo ipapaliwanag sa magulang mo kung bakit ka bagsak. Sa mga hindi naka-experience, sasabihin niyong "OA nito" pero if you've been there, masasabi mo na "Oo nga".

Ang pseudo-rel ba ay katulad ng MU (Mutual Understanding)? Yes and no. Bakit?

Pag sinabing mutual understanding, pareho kayo ng saloobin. Pareho kayo ng intention. Pareho kayo ng gusto. Yun nga lang, merong mga bagay na nagiging dahilan kung bakit "hindi kayo". Pag sinabing pseudo-rel, parang kayo lang. Hindi naman talaga satisfied ang kundisyon na gusto mo siya at gusto ka rin niya. Pwedeng ever so potential partner na ang tingin mo sa kanya pero ikaw, fling lang sa kanya. Lalo na pag summer, uso yan. Tsk!

So ano ang pinagkapareho ng MU at ng Pseudo-rel? Dalawang bagay lang. Una, hindi naman talaga kayo. Pangalawa, napakalaki ng potential na masaktan lang kayo in the end dahil siguradong mahihirapan lang kayo along the way.

Kung baga sa DVD, pirated. Kung baga sa cellphone, China. Makailang-ulit mo'ng isalang ang pirated DVD, tumatalon, napuputol, nawawalan ng silbi. Saglit ka lang mamali ng gamit sa China phone, nasisira at nawawalan ng silbi.

Wala ba'ng pag-asang mauwi sa totohanan ang isang pseudo-rel? Chances are, wala. Dahil wala naman kayong commitment talaga kaya wala ka'ng pwedeng panghawakan.

Kahit gaano man nasaktan ang kahit sino sa inyo at kahit gaano pa man yun nakaapekto sa mga pangyayari sa paligid at buhay niyo, katapus-tapusan, "Wala kayong dapat pag-usapan."

Kung talagang napakasakit ng pseudo-rel, bakit may gumagawa pa rin nito?

Una, pwedeng hindi nila alam na pseudo-rel yun. After all, there's a first time for everything, di ba?

Pangalawa, merong uhaw masyado sa pagmamahal na kahit ano'ng pagmamahal — kahit ba peke — pagtitiyagaan.

Pangatlo, nandiyan ang peer pressure. Loko-lokohan lang. Sabi-sabi lang. Mamamalayan mo na lang, may masamang epekto na pala.

Pang-apat, kaatatan. Hindi makahintay magka-relationship kaya suong ng suong sa ganyang relasyon. Hindi makahintay para masigurado niyang totoo na nga ang mga pangyayari.

Panlima, meron kasing mga advantages ang pseudo-rel tulad ng wala kang pananagutan sa kapartner mo. Hindi mo siya obligasyong batiin ng happy *insert occasion here*. Pwede ka'ng makipagflirt sa iba. Hindi mo obligasong magpaliwanag pag may di siya nagustuhan dahil in the first place, wala siya sa lugar para magsabi ng di niya nagustuhan. Para ka lang may laruan na lalaruin mo pag may free time ka lang.

Ang pinagkaiba nga lang nun, ang laruan, walang pakiramdam at wala ding matang lalabasan ng luha pag nasaktan.

Ano ba ang dapat gawin pag sa tingin mo nasa pseudo-rel ka na?

Ang sitwasyong ganyan, parang marijuana. Nakaka-addict. Kaya nga ba wag ng subukan kung ayaw mapahamak. Pero kung isa ka sa karamihang napasok na ang gusot na 'to, meron ka pa'ng pwedeng gawin. Hindi nga lang yun magiging madali pero kailangan kung ayaw mo talagang masaktan.

Dalawa lang ang pwede mo'ng gawin: Makipagusap o Lumayo.

Kausapin mo siya kung ano na ba talaga para malinaw ang lahat at hindi ka nangangapa. Kung ayaw niyang makipagusap tungkol do'n then the person is not worth your time. Kapag naman nagkaalaman kayo na pareho kayo ng nararamdaman, nasa sa inyo na yun kung papano niyo yun iwo-work out. Itutuloy niyo na ba? O hindi muna? Pero tandaan niyo na pag hindi niyo tinuloy, magkakaron kayo ng mga limitasyong dapat alam niyong pareho dahil sa puntong to mas madali kang masasaktan.

Kung sigurado ka naman na hindi naman siya ganun sa'yo dahil sa mga circumstances tulad ng may iba siyang karelasyon, magpapari siya o kung ano pa man, makabubuting lumayo ka. Gawin mo yun kung hindi man para sa inyong dalawa pero para sa SARILI MO.

Mahirap yan. Masakit. Nakakalito. Pero tandaan mo na mas mainam yan dahil yang sakit na yan, pahilom na kesa sa sakit na palalim nang palalim. Magugulat ka na lang, naging tetano na pala.

Kung sakali naman na handa kang masaktan makasama lang siya, dapat handa kang panagutan ang mga ginagawa mo. Wag na wag ka'ng mang-aabala ng kung sino para lang ngumawa hanggang alas tres ng madaling araw; wag na wag ka'ng magyayayang makipaginuman hanggang masenglots pati kaluluwa mo dahil. Bakit? Dahil nakakaperwisyo na ang katangahan mo. Gusto mo kamo yan. Handa ka kamo magtiis. Tiisin mo ngayon yan.

Katapus-tapusan, nasa sa'yo ang desisyon. Ang importante lang, dapat alam mo kung sino ka, kung ano'ng gusto mo at kung ano'ng dapat sa'yo.

Alamin mo ang halaga mo dahil hindi ka mamahalin ng ibang tao kung hindi mo mahal ang sarili mo.

3 comments:

  1. ,ouch!!kaya nga po ako napasok sa ganyang klaseng relasyon kasi ko instructor ko ung na pseudo rel.ko gus2hun man namin pero ende po talaga pede nuh buh dapat ko gawin..diko siya kayang bitawan..advice..advice..advice..plsss..

    ReplyDelete