November 27, 2011

Internet Noon


Sa panahong to, hindi ka "in" pag di mo alam ang Internet o kung wala kang Facebook.
Sa katunayan nga, yung ibang tao nga, nagpapagawa ng Facebook (/ip-bi/ ika nga nila) para lang makakuha at makapagupload ng pictures, makapag-games o makausap ang iba't ibang uri ng tao tulad ng mga kaklase nung high school, teacher nung elementary, kapitbahay nung kabataan o Taong Tabon nung unang panahon. Meron namang iba na nag-iinternet para mag-Twitter. Mas sosyal daw kasi. At meron namang mga nagda-download ng music (o "sounds" para sa iba) o images. Para sa mga hindi nakakapag-download ng video, meron ding youtube para sa live stream.

Sa dami ng nagagawa ngayon, natatawa na lang ako sa mga mareklamo sa kasalukuyang estado ng "pag-iinternet". Walang makita sa nireresearch. Ang hirap-hirap i-download. Ang hirap makapunta sa Facebook. Ang hirap mag-lagay ng music sa Friendster. Walang episodes sa Youtube. Maintenance na naman ang games. Lag! Lag! Lag!

Kung noon kaya kayo nag-net?


Year 2000 ako natuto mag-Internet sa tulong ng aking butihing pinsan. Sasabihin ko sanang tinuruan niya ko kung hindi sana ganito ang nangyari:


Kuya : Ito ang Internet Explorer. Dito mo ita-type yung address. Ito yung back. Pag naging kamay yung pointer, pwede mo'ng i-click. Wag ka mag-click sa mga ganto (points to ads). Ads yan.
Me : Tapos?
Kuya : Ano'ng tapos? Kaya mo na yan. Lahat ba naman ako magtuturo sa'yo?
Me : ...


Share ko lang, ganyan niya din ako tinuruan ng Counter Strike at ng kung anu-ano pa. Productive naman ang method niya.

Anyway, back on topic, nung panahon na yon, walang Facebook. Walang Friendster. Walang Youtube. Walang MMORPG. Walang Twitter. Walang Plurk. At 50 pesos ang isang oras sa mga computer shop. Walang flash drive. Kung gusto mo mag-save, maghagilap ka ng diskette. Bumagsak yang diskette mo? Naalog? Patay ka, burado na yan. Kung gusto mo mag-burn sa cd, mahal. 50 pesos mahigit ang isang cd. 45 pesos ang paburn. Sa kung anong dahilan, inaabot ako ng 4 hours on average sa pag-iinternet. Puno na yung isang batalyon ko'ng diskette kaya kailangan ko'ng umuwi, ilipat ang mga nakuha ko mula sa mga diskette papunta sa PC ko tapos babalik ako ulit para manguha pa.

Astigin na pag may nakuha kang sound clip. Mas astigin pa kung buong music. Hindi lahat alam ang MP3. Hindi lahat may MP3 player sa PC. At hindi lahat ng music player ay MP3 player. Kung may makuha kang video... Pano mo ginawa? Gaano katagal? Maghapon kasi ang download ng iisang episode ng Dragon Ball Z. At kung tatanungin mo kung ba't mabagal, naka-dial-up kasi. Rare ang DSL. Wala ding broadband. Kaya kung malas ka, may mga connection na habang nagnenet ka at may nag-angat ng telepono, wala na. DC na. At take note, niloloadan ng prepaid card ang internet connection noon! Oo, yung nagkakaskas ka ng card tapos iloload mo para makapag-net ka! Ganon!


Sa Yahoo Messenger ka lang malamang makakapag-chat. Hindi pa uso ang bot noon kaya tao talaga ang makakausap mo. Madaming tao sa mga chatroom. At pag sinabing "Anime" ang chatroom, "Anime Fans" talaga ang laman. Ngayon kasi kahit ano pa ang title ng chatroom, sandamakmak na porn bots ang makakausap mo.

At pagdating sa mga images ng tao, hindi lahat may scanner. Hindi lahat nakakapag-upload. Kaya nga nung nakagawa ako ng sarili ko'ng  fanfiction website nung panahong yun, astig na astig na ko sa sarili ko. Manual hard coding kaya sa notepad yon at ang picture editor ko lang ay Paint at MS Word. At isa ko pa palang pinasasalamat ay wala pa noon yung mga online picture editors na masakit ngayon sa mata. Yung sandamukal na glitters, paru-paro at ka-ek-ekan? Yon. Walang ganon dati. Kung meron man, ang rare. Rare pa nga din ang mga GIF na transparent yung background. Magagalit pa yung mga gumawa sa yo pag ginamit mo ng walang paalam.

Nagbago na talaga ang Internet. At kung tatanungin naman ako kung sino ba talaga ang mas maabilidad, yung mga nag-iinternet noon o ngayon... Aba... Ibang kwento na yon. =)