June 29, 2009

Kahit saan, nakakainis at nakakainip pumila. Minsan nakakainis dahil mahaba ang pila. Minsan dahil mabagal ang service (ke mahaba o maiksi ang pila). Minsan naman, nakakainis yung kasama mo sa pila. Yung pinakahuling dahilan ang nangyari sa min ng friend ko kaninang tanghali. Nakapila kasi kami para i-submit yung High School ToR niya. Ewan ko ba kung bakit dapat kasama pa ko pero anyway, pumila nga kami sa pangalawang window ng registrar kasi dun maiksi. Nung kami na, nakakatuwa namang nagsara ang magandang window.

"Tara, dito na lang tayo." sabi ko sa friend ko, "Sarado na diyan."

Hindi na nagsalita si friend. Lumapit na lang siya sa kin at pumila kami sa dulo ng pila nang biglang nagsalita ang lalaki sa harap namin.

Contact Lens = Hindi Makabayan ... DAW

Read More

No Erasures. Erasures wrong.

Isa na yan sa mga directions/instructions pag may exam. Hindi naman dahil sa bawal magkamali ang estudyante. Hindi naman sa bawal magdalawang-isip. Nagiging tulong na kasi sa pandaraya ang erasures. Pwedeng burahin ang sagot para mangopya at pwedeng burahin/dagdagan/bawasan ang sagot at ipa-correction pagkatapos ma-check-an.

Pero hindi naiiwasan ang pagkakamali. Paminsan, kahit di ka naman nangopya o hindi ka nangta-tamper ng test paper mo eh nadadali ka ng masamang part ng rule na 'to. Pag nagkamali ka ng spelling ng Czechoslovakia o pag kinulang ka ng isang "s" sa Mississippi. Alam mo yung sagot pero yung pagiging tao mo yung naging dahilan kung bakit naging mali ang tama.

Nakakapikon.

Pero gagawa at gagawa ng paraan ang estudyante. Siyempre, dapat may resilience. Yung pagiging maparaan ba?

Wrong Erasures

Read More

UNANG PAGTATAGPO
Minsan, habang nagda-download ako ng Rock Musical Bleach : The Live Bankai Show Code 002, may pinapasok na bata ang tatay ko sa bahay. Maingay. Makulit. Salita nang salita. Tiningnan ko. Kapit-bahay pala naming may lahing intsik. Hindi ako mahilig sa bata pero hindi din ako galit sa bata. Siguro AYAW ko lang sa batang epal sa buhay na sumobra sa pagka-bibo eh nagiging atribido. Atribibo ika nga. Hindi ko na lang pinagpapansin kung ano man ang sinabi niya basta wag niya lang ako guguluhin kasi panonoorin ko na ang part 1 ng na-download ko.

"Ano'ng ginagawa mo?" sabi niya sa kin.

Ang Mayamang Batang Atribibo

Read More

June 16, 2009

"Form two lines." sabi ng teacher ko sa Speech kanina, "Each group must have the same number of members."

Medyo nahirapan pa kami magbilang dahil ewan. Ang simple lang naman magbilang. Basta ang ending tig-16 members kami. Pinapili ng leader. Pinagtutulakan ko'ng pilit si Neil. Kinunchaba ko na din yung mga members na iba na pag tinanong kung sino leader, si Neil ang isagot. For the lulz lang. Trip lang. Tutal kasiyahan lang naman 'to.

"Choose one leader." sabi ng teacher ko.
"NEEEEEEEEEIL!" sigaw ng group namin.
"The winner of this game will receive an additional five points in the first quiz."
"ZAAAAAAAAAI!" sigaw ng mga kagrupo ko.

Anak ng teteng. Plus five points lang pala ang katumbas para ipagkanulo ako ng mga damuho ko'ng group mates. Hindi man lang ten o twenty. Hindi man lang exemption. FIVE POINTS. Desperate ba kami masyado? With matching ever so bonggang tulakan pa. Ayoko sana kaso "sayang ang five points".

The Evolution Of Chismis Begins With Wrong Grammar

Read More

June 14, 2009

Maaga akong nagpunta sa bahay ng friend ko sa Balagtas, Bulacan kaninang umaga. Kailangan ko kasing isauli ng maaga yung 2GB SD Card na hiniram ko dahil gagamitin niya sa camera. Dalawang sakay mula para makarating sa kanila. Dalawang sakay din pauwi. Nasa jeep kami ni Marvin pauwi habang hinihintay itong mapuno. Medyo matagal. Kami pa lang kasi ang sakay pero at least nasa unahan. May sumakay na babaeng naka-white at umupo sa likuran ng driver. Wala pa'ng ilang minuto, nagtanong siya bigla, "Manong, hindi pa ba kayo lalakad?"

Hindi Masamang Maniwala Sa Jeepney Driver

Read More

June 12, 2009

"Bakit wala kang pasok bukas?" Tanong ni Marvin sa pinsan niyang si Karen.
"Araw Ng Kalayaaaaaaaaaaaaan!" Sagot agad ni Karen na pang-Little Miss Philippines.

Waw. Naturuan ng maayos. Nakikinig sa teacher. Mainam, mainam. Ako naman si bruha, bumanat ako ng, "Ano ibig sabihin non?"

"Malaaaaaaaaaayaaaaaaaa! Walang pasok!" Mabilis na sagot ni Karen.

Natawa na lang ako.

Si Karen ay five years old. Kakasimula pa lang niyang pumasok sa eskwela nung June 1 at ito ang una niyang "holiday".

Bakit Walang Pasok Bukas?

Read More

June 11, 2009

Paalis ako kahapon para pumunta sa mama ko nang makita ko'ng may tatlong bata sa baba. Isang babae at dalawang lalaki. Siguro mga four years old lang sila pababa.

"Umalis ka nga dito! Umuwi ka na!" sabi nung isang batang lalaki sa batang babae. Sumimangot yung babae pero tumayo na din siya ng padabog at naglakad na papunta sa bahay niya. Sinigawan pa nga siya ulit ng, "Umuwi ka!"

Hindi na lumingon yung batang babae. Tuluy-tuloy na lang siyang naglakad hanggang dumating sa pintuan ng bahay nila. Nung pagkahawak niya sa door knob, sinigaw ulit siya nung batang lalaki, "Sige, umuwi ka para di na kita bati! Pag umuwi ka, di na kita bati!"

Lalong napasimangot yung batang babae na ngayon lang gumanti ng sigaw.

"Di ba gusto mo nga umuwi ako!? Ano ba talaga!?"

Natawa na lang ako habang naglalakad palayo. Pati pala sa mga bata uso yung sala sa init, sala sa lamig. Hindi ko alam kung ito ang mga batang resulta ng nakikita sa matatandang walang katwiran o ito yung mga batang pinagmumulan ng mga matatandang walang katwiran.

Ano ba talaga!?

Magulong Sigawan

Read More

June 10, 2009

Kaninang umaga pumunta ako sa Dunkin Donut para dun mag-almusal. Para lang maiba at mag-feeling sosy kasi kahit pa ba may umusbong na Starbucks dito sa 'min eh malamang na presyo pa lang, malilimutan ko na ang gutom ko. Matagal na din kasi ako'ng hindi nakakapag-Dunkin Donut mula nung matapos ang school year.

Iced coffee at dalawang Choco Candy Sprinkle donut ang balak ko'ng orderin. Pagdating ko sa maliit na tindahan, may naunang nakapila sa akin. Ayos lang. Dalawa lang naman sila. Dalawa din yung nagseserve. Hindi naman siguro ako matatagalan nito. Medyo naglalaway na din kasi ako sa matamis nung oras na yun. At dahil dalawa yung nagseserve, sabay na naka-order yung dalawang nauna sa kin.

Yung babae umorder ng tatlong donut for take-out saka nagbayad at umalis. Yung lalaki naman umorder ng isang donut, isang Bunwich at isang iced coffee. Inaabot ng ilang minuto ang pagpre-pare ng iced coffee at Bunwich kaya yung isa sa dalawang service crew eh umalis para iprepare na ang inorder. Mabilis namang inenter ng babae ang order niya sa cash register.

"77 pesos po, sir."

Tumango ang lalaki.

Ayos. Makaka-order na ko...

...Akala ko.

Minsan Mahaba Ang Pila Dahil...

Read More

June 5, 2009

Awa.

Yan ang nagiging pangunahing dahilan kung bakit paminsan may mga taong nagpapalaki ng halimaw. Depressed siya. Malungkot. Down. Suicidal. Awa ang kadalasang naitutugon sa mga ganyan at awa ang isa sa mga bagay na napakahirap alamin kung sobra na o tama lang. Araw-araw mo'ng pakikinggan ang problema niyang paulit-ulit at araw-araw din siyang dadaing. Araw-araw mo'ng ipapahiram sa kanya ang balikat mo at araw-araw din siyang sasandal sa'yo.

Sa bawat pagkakataong matutumba siya, itatayo mo ulit. At sa bawat pagtayo na lang, andun ka. Hindi na siya natutong tumayo mag-isa dahil nga parati mo siyang itinatayo. Kung hindi man ikaw, isa sa inyong magkakaibigan.

Ayos lang dahil magkakaibigan kayo. Normal lang sa magkakaibigan ang magsaluhan at magtulungan.

Parati.

Pinapalampas niyo ang kamalian dahil baka madami siyang problema. Hindi niyo na siya hinihingian ng sorry o ng paliwanag dahil inuunawa niyo siya. Papano na siya pag wala kayo?

Ganun talaga ang magkakaibigan. Nag-uunawaan.

Parati.

Parati na lang ba talaga?

Ang Pag-aalaga Sa Isang Halimaw

Read More

June 3, 2009

Merong panahon na madalang ako'ng tumambay sa chatroom ng stamariaster. Nung panahon na yun, kahit pumasok ako sa chatroom ng nandun kayo, hindi niyo ko mapapansin. Pero minsan isang gabing naisipan ko'ng tumambay sa chatroom, may nagbanggit ng "love". Wow, love. Ano 'to, high school? Pero dahil may topak ako, naki-ride ako. At dahil nga topak ako, nagsubok ako'ng mag-isip ng kakaibang topic. Napakadaling kumuha ng response pag nabanggit ang topic ng one-sided love. Yung tipong "mahal ko siya ngunit mahal niya ay iba kaya't ako'y nasasaktan, nagtiis at nagdurusa sapagka't ako'y balewala ngunit ano'ng magagawa ko kung mahal ko siyang talaga"... Description pa lang, pang-lyrics na. Super common ang one-sided love dahil halos lahat kung hindi man lahat ay nagdaaan diyan. Kaya papano ko gagawing rare ang isang super common?

The Other Side Of One-Sided Love

Read More

June 1, 2009

Alam niyo ba kung ano ang meaning pseudo? Ayon sa wikipedia.com:

The prefix pseudo (from Greek ψευδής "lying, false") is used to mark something as false, fraudulent, or pretending to be something it is not.

Sa tagalog, ang "pseudo" daw ay idinudugtong sa isang salita para maipaihiwatig na ito ay hindi totoo, nanloloko, mapagpanggap o maging isang bagay na hindi naman ganon.

Ano ngayon ang ibig sabihin ng isang "pseudo-relationship"? Kung kukunin natin ang kahulugan ng pseudo, makukuha nating isa itong "fake relationship". Sa isang logical na paliwanag, it makes sense pero sa totoong buhay, may mas malalim pa'ng kahulugan ang pseudo-relationship kesa sa sinasabi ng mga salita nito. Mas mahirap pa 'tong i-solve kesa sa Math; mas madalas pa'ng pagtuunan ng pansin ng mga estudyante kesa sa pag-aaral nila; mas nagiging dahilan ng kawalan ng tulog kesa sa maiingay na kapitbahay na nagvivideoke hanggang madaling araw; at mas nagiging problema pa kesa sa kung papano mo ipapaliwanag sa magulang mo kung bakit ka bagsak. Sa mga hindi naka-experience, sasabihin niyong "OA nito" pero if you've been there, masasabi mo na "Oo nga".

Ang pseudo-rel ba ay katulad ng MU (Mutual Understanding)? Yes and no. Bakit?

Pseudo-ing : Pirated "China" Boyfriend/Girlfriend

Read More

Kumusta? Welcome sa Kwentong Kabute — ang Tagalog ko'ng blog. Ibig sabihin, lahat ng post ko dito puro Tagalog. Sa mga hindi nakakaalam kung ano ang kabute, sa Ingles, mushroom po ang tawag do'n. Bakit "Kwentong Kabute"?

Kabute kasi kadalasan ang tawag ko sa sarili ko. Isa ako'ng kabute na may alagang marshmallow na *squish, squish* lang ang sinasabi pero madaming ibig sabihin.

Kabute siguro dahil pasulput-sulpot ang ideya ko. Minsan nandiyan, minsan wala. Ngayon nandito, mamaya wala na. Nakakainis din para sa kin ang mga ganung sitwasyon dahil paminsan, may gusto ako'ng isulat pero hindi ko magawa dahil sa mga sitwasyong hindi maiiwasan tulad ng pagiging nasa kalagitnaan ng klase, sa loob ng umaandar na sasakyan o paminsan, kahit alas tres ng madaling araw pag naalimpungatan at nahihirapan ng matulog ulit.

Kabute dahil kung anu-ano lang ang naisusulat ko. Hindi ako katulad ng ibang blogger na naka-focus sa isang topic ang blog tulad ng pelikula, telebisyon, showbiz, animé at kung anu-ano pa. Ang blog na 'to, kung anu-ano ang laman katulad ng dami ng uri ng kabuteng matatagpuan natin sa mundo.

Kabute dahil iba't iba ang impact sa tao. Merong kritikal. Merong wala lang. Merong masarap. Merong nakakabanas. Hindi mo alam kung ano ang magiging epekto sa'yo ng kabute hangga't hindi mo tinitikman dahil paminsan, kahit marunong ka'ng tumingin, hindi mo alam baka sumablay ka rin.

Kabute dahil madalang makita. Hindi pinagkakaguluhan. Hindi pinapansin. Paminsan nga pinapatay pa.

Kabute dahil madaming kulay. Madaming hugis. Madaming mukha.

Sari-saring kabute.

Sari-saring kwento.

Welcome sa mundo ng kabuteng katulad ko.


P.S.
"Squish, squish!" sabi ng marshmallow ko.

Krungkrung Kabute

Read More