December 23, 2011

Naranasan mo na ba yung may 1000 ka, may gusto kang bilhin worth 20 lang pero 1000 ang dala mo?

The Art Of Pagpapabarya

Read More

December 11, 2011

Pet peeve daw ang tawag sa mga bagay o pangyayaring kinaiirita mo pero parang okay lang naman sa iba.

Kaartehan (Daw) Sa Paggamit Ng PC

Read More

November 27, 2011


Sa panahong to, hindi ka "in" pag di mo alam ang Internet o kung wala kang Facebook.

Internet Noon

Read More

Wag ka'ng mabahala. Hindi emo ang post na ito. Hindi ito yung magkukwento ng hinanakit tungkol sa kung papanong "I smile on the outside but cry on the inside" (minsan tawag ko diyan "iyak-tawa") o "I say I'm okay but can't you see I'm not". Ito yung may ginawang hindi maganda/hindi tama/hindi okay ang isang tao pero kahit na gusto mo nang magalit, sasabihin mo'ng, "Wala yon! Okay lang!" Maliban sa "I have read and accept the terms and conditions...", isa na yan sa mga pinakamalaking kasinungalingan na nauuso ngayon.

Sabi nila, kaya daw sinasabi yan eh dahil yun na daw ang nakagawian. Ang "wag manisi" at ang "makisama". Ba't ba litong-lito tayo sa meaning ng "pakisama"? Kunwari may nasira ng bisita ang headset ng PC mo dahil kasalanan naman niya. Halimbawang harutan ng harutan sa tapat ng PC, nabanat si headset, nasira. O nagp-PC, nakakandong si anak tapos hinatak ng hinatak ang headset, ayon nasira.

"Naku, sorry!!"
"Okay lang! Okay lang! Wala yon!! Sige na, ako na mag-aayos niyan!!"

Tingnan mo nga naman. Sila na nakasira, sila pa kailangang pakisamahan at ngayon kailangan pa'ng ikaw ang mag-ayos. Bad manners daw kasi yung sasabihin mo na, "Ay p0ta, ano nang gagamitin ko mamaya eh may panonoorin pa naman ako!?"



Hindi ko naman sinasabing magalit dapat sa lahat ng pagkakataon. Hindi naman mababalik ang lahat kung maghurumentado ka. At hindi din lahat ng bagay na nasira ay napapalitan lalo na yung mga may sentimental value. Hindi mo lang kailangang sabihing "okay lang" tapos pag nagkwento ka sa iba, galit na galit ka.

"Walangyang yon, sinira yung gamit ko. Bwiset. Ngayon kailangan ko pang bumili ng bago eh bigay sa kin ng crush ko yon!"
"Ba't di mo pinapalitan?"
"Eh baka sabihin nila headset lang nagkaganon na ko."

Palagay ko, kung hindi okay, sabihin mo na lang na, "Naku... Wala ako'ng gagamitin. Pero wala na tayong magagawa. Sira na eh." Kasi yun naman talaga ang totoo eh. Hindi naman talaga okay.



The Okay Lang Syndrome

Read More

November 25, 2011

May-ari kami ng isang maliit na computer shop. Kami ang nagma-manage, nagbabantay at nagme-maintain. Isa sa mga problema namin ay yung mga customer na mabibigat ang kamay na kala mo bakal ang mouse and keyboard. Ika nga nga king pinsan, "Gundam Heavyarms".

 "LOLWUHT?"

Yun ba'ng idadabog nang idadabog yung mouse? One time nga, Angry Birds lang naman nilalaro, tumalsik yung mouse. SERYOSO. Sobrang gigil sa baboy? Hindi kinakaya yung pressure? Nake-carried away? Super realistic ba? Baka kailangan ng mineral water para kumalma?


Meron namang kung makahampas ng spacebar pag naglalaro ng first-person shooting games (Counter Strike, SF etc) eh parang hinihila ng gravity na katumbas ng 100 beses ng gravity ng Earth yung hinlalaki.  Hindi ko maintindihan kung bakit ganon sila pumindot. Sabi nung iba, may "pamahiin" daw yung mga yun na "tumataas yung talon" ng character nila or "lumalakas yung baril". Ewan ko.

At hindi pa natatapos diyan. Meron namang magdota, iisa na nga lang yung letter para makapag-skill, kung makapindot kala mo tabla lang yung keyboard. "Fast hands" daw yon para sa iba. Fast hands? Di ba HEAVY hands? Kung makapindot kala mo nage-Echo Slam! Saka paminsan, "ayaw gumana" ng skill eh. Boge ka, di ka ba makaintindi ng cool down, stun at silence? Nag-DotA ka pa.




Ewan ko sa kanila. Ewan ko talaga.

So anyway, bilang paraan siguro ng langit na bigyan ako ng first-hand na sagot (kahit bahagya lang), may isang teenager na dumating ngayon lang (as in 5 minutes prior to typing this)...

Ang Misteryo Sa Likod Ng Paghampas Ng Keyboard

Read More

November 24, 2011

"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda."

To an extent, totoo ito pero palagay ko hindi ito ang katwiran ng mga taong pinipilit mag-Tagalog kahit foreigner ang kausap.

Kanina habang nagfe-Facebook ako, nakita ko sa aking news feed ang isang interesanteng picture na pinost ng isang sikat na gaming hardware company. Medyo hindi ko nagets yung picture kung the making ba ng ano yon so nung wala ako'ng napala sa description, binasa ko yung mga comments.

English yung mga comment.

English yung pag-uusap.

Obvious naman na international yung page pero sa kung anong dahilan, merong mga Pilipinong magpopost ng "ano to" or "cool dotahan lang ba ito".

*facepalm*

International Language Ba Ang Tagalog??? (Bobo, p*t@.)

Read More

November 10, 2011

Para sa lahat ng kaibigan ko'ng niloko, niloloko, nanloloko at nagpapaloko... Nakakasawa na kasi yang mga nangyayari sa inyo. At nakakangitngit. Hindi ko kakayanin  yang mga nangyayaring yan sa buhay niyo. Kung pwede ko lang takungin sa sentido to'ng mga salawahang yan, ginawa ko na.

------------------------

Lalaking babaero. Babaeng malandi. Wala silang tinatawag na "Love Life". Tutal imbento lang naman ang love sa kanila. Hindi naman totoong "love" yun. Ka-echosan lang. Sige nga, ano ba'ng love dun? Commitment sa salita lang. Loyalty sa hinagap lang. Atensyon swerte ka kung masolo mo sa text. Pero siyempre hindi nila aaminin yon. Nandyan ang natural na excuse na, "Ano'ng gagawin ko eh sila ang lumalapit?" Tama nga naman. Pero iba ang sitwasyon pag ineentertain mo pa. Yun ba'ng alam mo nang may syota ka na eh saka mo pa naisip mag-smile ng bonggang-bongga at magpacute ng magpacute sa iba. May na-cute-an lang sa yo, inentertain mo na agad. Entertainer? Entertainer? Wag ka na mag-syota.

Pesteng Pekeng Lablayp

Read More

October 9, 2011

Biodata, resume, curriculum vitae...

Ito yung summary ng listahan ng mga bagay na kaya mo'ng gawin. Description ng mga bagay na natutunan mo. Listahan ng qualification. Listahan ng history ng pag-aaral. Kumbaga, ito yung printout na titingnan ng mga employer para makilatis ka nila kahit papano. Importante ang resume dahil paminsan, dito nababase kung maiinterview ka ba o hindi. Kung tatawagan ka ba o hindi. Kung ico-consider ka ba o hindi. Madaming takot gumawa ng resume. Madaming nagdadalawang isip kahit mula high school pa lang ay gumagawa na ng resume sa English class.

At dahil sa isang post ng isang kakilala online sa facebook, nainspire ako sa paggawa ng guidelines sa paggawa resume base na din sa experience ko sa pagtingin ng resume ng mga aplikante. In very random order...

---

  1. Ayusin ang font. Hindi ito ang time para gumamit ng Comic Sans. Hindi din ito yung time para mag-submit ng mga resume na may font size na 72 at bold dahil nahahalatang pinipilit mo lang magmukhang puno yung resume mo. Hindi din ito yung time para magpacute at gumamit ng mga font na sakdal-liit na katulad ng ginagamit sa webpage. ITIM na lang ang gamiting font color. Hindi red, hindi blue, hindi pink. ITIM.
  2. Wag ka'ng magsubmit ng resume na may e-mail address na may kulay blue na font. Papano kita pagkakatiwalaan kung hindi ka marunong magtanggal ng hyperlink sa MS Word? 
  3. Kung hindi rin lang naman kailangan sa trabaho, wag mo na'ng ilagay ang weight at height.
  4. Gumawa ka ng matinong e-mail address. Isantabi mo muna si sweetumz14@yahoo.com at si sandamakmakers@yahoo.com. Kailangan nila ng mga taong marunong dumistinguish ng formal/corporate sa casual.
  5. Isa pa'ng tip sa e-mail address, wag mo'ng ibigay yung e-mail address na nakalink sa Facebook lalo na kung karamihan sa laman ng FB mo ay mga bagay na kakaiba, kahindik-hindik... o ADIK.
  6. Ang ultimate na batas: KISS o Keep It Simple, Stupid. Kung ano lang ang sasabihin, yun lang. Umiwas gumawa ng papampam na resume. Taliwas sa iniisip ng nakararami, hindi maganda ang mahabang English na di naman kailangan lalo pa't walang sense. Pwede naman sabihing "hard-working", sasabihin pa'ng "works not only hard but also strivingly". ANO DAW?
  7. Tanggalin ang unnecessary information. Mag-aapply ka sa isang IT department tapos kasali sa resume mo ang skills: Knitting. 
  8. Iwasan ang paulit-ulit na mga information. Pag sinabing "is able to work with Microsoft Office", wag nang sabihing "is able to work with Microsoft Office including but not limited to MS Word, MS Excel, MS Powerpoint etc".
  9. Kung ilalagay mo diyan, siguraduhin mo'ng kaya mo'ng sagutin. Oras na naglagay ka ng PC Troubleshooting, siguraduhin mo'ng mapapanindigan mo ang PC troubleshooting. Wag na wag mo'ng sasabihing "Ay, naaral lang po namin yan pero di ko pa po na-apply." Maiisip ng employer mo, "So gano kadami pa sa nakasulat dito ang pagpapanggap lang?"
  10. Hindi padamihan ng page ang resume. Kung pwedeng ma-summarize mo sa iisa o dadalawang page lang, DO IT. Kung hahaba yung resume mo dahil sa dami ng malaman na laman e di maayos. Pero kung pinipilit mo lang dumami ang laman ng resume mo dahil feel mo nakakahiya pag konti, mas nakakahiya yung dumami lang yung page dahil sa spacing at formatting.
  11.  Ang picture sa resume ay iba sa profile picture. Hindi ito yung time para kumuha sa Facebook tapos ika-crop lang. Ang sagwa pag background mo mga putol-putol na body parts ng tao na kasama mo sa group picture. Parang hindi man lang pinag-isipan yung resume. Maglaan ng matinong picture na maayos ang itsura mo at maayos ang background. Wag kang tumapat lang sa pader tapos papapicture ka na gamit yung phone mo na ni hindi ka man lang nagsuklay o nagpulbos. Pero hindi mo din kailangang mag-tadtad ng make up na para kang finger painting ng bata. Siguraduhin ding malinaw ang picture dahil picture ang hinihingi nila, hindi thumbmark.
  12. May kakilala ako'ng nagsabi na wag gagamit ng graduation picture. Hindi ko na maalala kung bakit.
  13. Kung may kasama ka'ng mag-aapply sa trabaho, wag kayong magpasa ng resume na parehong-pareho ng laman tapos iba lang ang format at iba lang ang pangalan.
Hay. Pinilit ko'ng gawing 15 items kaya lang 13 lang talaga sa ngayon. Pero sana nakatulong yan sa mga may balak mag-apply ng trabaho. Tandaan lang na mas effective ang MAAYOS na resume kesa sa NAGMAMAGANDANG resume. At dahil gutom na ko at walang maisip na outro, hanggang dito na lang.

Respectfully yours,
Xairylle

Ang Maayos Na Resume

Read More

August 4, 2011


Alak ang isa sa mga bagay na hindi nawawala sa isang handaan maliban na lang kung labag sa relihiyon ng mga taong nagdaos at dumalo. Pero kung Pinoy style celebration rin lang ang pag-uusapan, hindi nawawala ang alak. Kaya nga madalang ang selebrasyon na walang nalalasing.

Na-experience mo na ba ang mga ganitong klaseng lasing?

Sa Isang Boteng Beer Lang

Read More

June 22, 2011


Ang taong nakikita niyo sa larawan ay si Gett. Friend ko siya sa Facebook at sa Plurk (wala na siyang plurk pero dun kami nagkaron ng connection). Hindi ko alam exactly kung pano kami naging connected pero hindi yun ang topic. Ang topic dito ay yung planner. Ang ganda ng planner niya. Nainggit naman ako. Gusto ko din nun... Kaya lang, wala naman ako'ng isusulat. T_T

Bata pa lang ako, astig na astig na ko sa pagkakaron ng organizer. Parang pag sinabi sa yo na, "Uy, alis tayo sa Sabado!" Sasagot ka naman, "Check ko muna sched ko." Astiiiiiig.

Kung Bakit Astigin Ang Planner

Read More