To an extent, totoo ito pero palagay ko hindi ito ang katwiran ng mga taong pinipilit mag-Tagalog kahit foreigner ang kausap.
Kanina habang nagfe-Facebook ako, nakita ko sa aking news feed ang isang interesanteng picture na pinost ng isang sikat na gaming hardware company. Medyo hindi ko nagets yung picture kung the making ba ng ano yon so nung wala ako'ng napala sa description, binasa ko yung mga comments.
English yung mga comment.
English yung pag-uusap.
Obvious naman na international yung page pero sa kung anong dahilan, merong mga Pilipinong magpopost ng "ano to" or "cool dotahan lang ba ito".
*facepalm*
Napakawalang-kwentang excuse din ng "hindi ko alam". Ang haba-haba ng conversation na kahit di mo tutukang basahin ay OBVIOUS naman na English, tapos bigla ka'ng mag-Tatagalog? Di ka nagbabasa? Ano'ng astig sa hindi nagbabasa? Alam mo ba kung ano'ng tawag diyan?
Ang tawag diyan WALANG MANNERS.
So hindi ka magaling mag-English. Fine. Hindi naman namin sinabi na magpaka-fluent ka. At kung hindi mo maiwasan na hindi magsalita, at least wag ka namang makipagusap sa Tagalog. Mas may manners pa din ang taong nag-barok English sa isang English conversation kesa sa nag-fluent Tagalog sa isang English conversation.
Wag na nating sabihing, "Ba't yung ibang foreigner?" Utang na loob. SILA yon. Nakakatuwa ba? May naiintindihan ka? Di ba "parang tanga" lang? Yan ang isa sa mga favorite excuses ng mga Pinoy: "Eh ba't sila?" or "Ba't, tayo lang ba?"
At hindi lang sa Facebook nangyayari yan. Pati sa international DotA rooms sa Garena at RGC.
Kita mo nang mga foreigner ang ka-team mo, sasabihan mo ng "taas ka" or "taas tayo" or "tara". At siyempre, pag hindi nag-work out ang napakawalang kwenta mo'ng attempt to communicate eh hindi nawawala ang famous line ng mga Pinoy na "bobo pota". Hindi ko alam kung inaassume niyo na puro Pinoy ang kalaro niyo or talagang makikitid ang utak niyo o talagang "bobo niyo, pota". Buti sana kung nasa Philippine room sila. Medyo may excuse ka pa pag ganon. Eh nasa ASIAN room ka. Ano, feeling mo Tagalog ang general language sa Asia?
Saka wag niyong ikatwirang "pinagmamalaki ko'ng Pinoy ako". Hindi ginawang PAMBANSANG WIKA ni Manuel Quezon ang Tagalog para lang gawin mo'ng excuse na magpaka-dugyot online!
Kaya nga karamihan sa mga foreigner sa DotA, sasabihin, "That is how Pinoys play. They have no team play. All they know is 'bobo pota'."
Tungkol sa team play, oo, halos lahat ng Pinoy players na nakita ko, feeling superstar. Lahat sila bida. Walang teamplay. Pero since wala yang kinalaman sa topic, gusto ko nang kunin ang pagkakataong ito para sabihin na wag kayong umarya ng, "Kung magaling ka, hindi niyo na kailangan mag-usap ng English!"
Wow, teamwork without communication.
What do you want me to say? "Bobo, pota."?