"LOLWUHT?"
Yun ba'ng idadabog nang idadabog yung mouse? One time nga, Angry Birds lang naman nilalaro, tumalsik yung mouse. SERYOSO. Sobrang gigil sa baboy? Hindi kinakaya yung pressure? Nake-carried away? Super realistic ba? Baka kailangan ng mineral water para kumalma?
Meron namang kung makahampas ng spacebar pag naglalaro ng first-person shooting games (Counter Strike, SF etc) eh parang hinihila ng gravity na katumbas ng 100 beses ng gravity ng Earth yung hinlalaki. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon sila pumindot. Sabi nung iba, may "pamahiin" daw yung mga yun na "tumataas yung talon" ng character nila or "lumalakas yung baril". Ewan ko.
At hindi pa natatapos diyan. Meron namang magdota, iisa na nga lang yung letter para makapag-skill, kung makapindot kala mo tabla lang yung keyboard. "Fast hands" daw yon para sa iba. Fast hands? Di ba HEAVY hands? Kung makapindot kala mo nage-Echo Slam! Saka paminsan, "ayaw gumana" ng skill eh. Boge ka, di ka ba makaintindi ng cool down, stun at silence? Nag-DotA ka pa.
Ewan ko sa kanila. Ewan ko talaga.
So anyway, bilang paraan siguro ng langit na bigyan ako ng first-hand na sagot (kahit bahagya lang), may isang teenager na dumating ngayon lang (as in 5 minutes prior to typing this)...
"Ate, pa-in." sabi niya agad, "May SF?"
"Meron po, kuya.... " sabi ko naman. Medyo hesitant pa ko. Pinabuksan niya yung PC 2. Nagbago isip. Sa PC 6 na lang pala.
Sa tuwing may maglalaro ng SF, talagang inaalala ko yung keyboard. Parang traumatic na kasi yung tunong ng spacebar. Yung "tak! tak! tak! eh parang "aray! aray! p0t3k ka, aray sabi!"
So sinabi ko kay mister-sir-customer na, "Kuya, hinay-hinay lang po sa keyboard, ha?"
Napatingin siya sa kin. Takang-taka pa.
"Ano? Pano yon? Hinay-hinay? Panong hinay-hinay"
Malalim na Tagalog ba ang hinay-hinay?? Hindi ako sure. Parang hindi naman. Pero nag-explain na din ako, "Wag po lakasan yung pindot. Wag diinan. Lalo na yung sa spacebar... Yung parang hinahampas ng malakas... Yung ganito..."
Nag-demo pa ko sa hangin kung pano ginagawa yun ng iba.
Laking gulat ko nang lalo pa siyang nagtaka (as in takang-taka), "Ha?E bakit naman!??!"
Aw, crap, hindi pala nila alam na nasisira ang keyboard pag pinipindot ng malakas!? Di nga!? Yun ba talaga ang reason kung ba't anlakas nila pumindot? Akala nila ganon talaga yon dapat laruin!? Hindi nga!? Reality show ba 'to?! Kaya naman takang-takang-taka pero may galang ko pa din siyang sinagot ng, "Siyempre po di ba kasi po MASISIRA PO YUNG KEYBOARD PAG GANON."
"Ganon!?" Talagang gulat na gulat siya. Parang ayaw na mag-in. Ako din. Parang ayoko na din siya mag-in. Sabi nga ng keyboard nung unit 6 wag na daw eh. Parang awa ko na daw.
Biglang dumating ang friend ni binata at sinabing hinahanap ito ng kanyang inay.
"Ay aalis muna pala ako." sabi niya, "Hinahanap ako ng mama ko."
Bukas na ang PC pero okay lang sa kin kung aalis siya. Ang hindi okay sa kin eh yung bukas ang PC tapos PINATAY NIYA ANG AVR.
"BA'T PINATAY YUNG AVR E BUKAS NA YUNG PC!!?!?!?!" sigaw ng aking butihing asawa sabay transform kay Dragon Knight at akmang bubuga ng apoy.
"Sa susunod nga pag may naghanap ng SF, SABIHIN MO WALA. Tatanggalin ko na din naman yan!!"
Wala na kong masabi. Gusto ko na lang magmura talaga.
MORAL LESSON : Mag-ingat sa mga Super Saiyan na customer ng computer shop.