November 10, 2011

Pesteng Pekeng Lablayp

Para sa lahat ng kaibigan ko'ng niloko, niloloko, nanloloko at nagpapaloko... Nakakasawa na kasi yang mga nangyayari sa inyo. At nakakangitngit. Hindi ko kakayanin  yang mga nangyayaring yan sa buhay niyo. Kung pwede ko lang takungin sa sentido to'ng mga salawahang yan, ginawa ko na.

------------------------

Lalaking babaero. Babaeng malandi. Wala silang tinatawag na "Love Life". Tutal imbento lang naman ang love sa kanila. Hindi naman totoong "love" yun. Ka-echosan lang. Sige nga, ano ba'ng love dun? Commitment sa salita lang. Loyalty sa hinagap lang. Atensyon swerte ka kung masolo mo sa text. Pero siyempre hindi nila aaminin yon. Nandyan ang natural na excuse na, "Ano'ng gagawin ko eh sila ang lumalapit?" Tama nga naman. Pero iba ang sitwasyon pag ineentertain mo pa. Yun ba'ng alam mo nang may syota ka na eh saka mo pa naisip mag-smile ng bonggang-bongga at magpacute ng magpacute sa iba. May na-cute-an lang sa yo, inentertain mo na agad. Entertainer? Entertainer? Wag ka na mag-syota.



Kung yung iba, ginagawang display ang bf/gf para may social statement, aba, yung iba baliktad. Merong mga taong ang syota ay ginagawang SHELF. DISPLAY SHELF. Display shelf para sa mga sarili nila para lang masabing "Taken na ko pero gusto nilalapitan ako ng madami! OMG! Ang astig ko!"

Mero'n namang nagsyo-syota tapos maglalandi/mambababae para pataasin ang kanyang value. Pano? Step 1. Magka-jowa. Step 2. Maglandi/mambabae. Step 3. Manumbat. "Ayaw mo ko alagaan? Ano kala mo ikaw lang andyan? Madaming may gusto sa kin!" Hala? Ano 'to, Friends For Sale?

Siguro tuwang-tuwa sa mga sarili nila 'tong mga taong ganito. Sa totoo lang, hindi ko sila naiintindihan. Ba't ka pa nag-commit sa isang relasyon kung maghahagilap ka pa ng ibang kakandungan o ikakandong?? Hindi ka ba nahihirapan na naglilihim ka sa ka-relasyon mo?? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo na palagay mo masyado ka'ng pinagpala?? Sa sobrang tigas ng mukha mo, sarap pantayin ng pison.

At ikaw naman na alam mo na'ng walang ginawa ang karelasyon mo kundi magbalandra ng sarili para kiligin sa mga comment ng iba, ba't ka nagtatanga-tangahan?? Hindi pa ba sapat na paulit-ulit niyang ginagawa lahat ng panloloko?? Hindi pa ba sapat na yung babae niya e matapang na ikaw pa ang sinasagot-sagot?? At kelan pa nangyari na ang dalawang magkaibigan ay may patweetums na tawagan na parang "i love you" na lang ang kulang?? At ang excuse niya sa lahat ng yan eh, "Wala lang yan."?

ANAK NG KAGANG.

ANAK NG KAGANG TALAGA.

Hindi ka pwedeng mahalin ng iba hanggang hindi mo kayang mahalin ang sarili mo. At walang ibang pwedeng magbigay ng halaga sa'yo kung hindi mo bibigyan ng halaga ang sarili mo.

At sa'yong manloloko ka, wag mo na'ng tantyahin ang halaga mo. OVERPRICED KA. PARA KANG TAE NA MAY PRICE TAG. MINUMURA KITA WITH EXPONENT.