Naranasan mo na ba yung may 1000 ka, may gusto kang bilhin worth 20 lang pero 1000 ang dala mo? Ako kasi nahihiya ako bumili ng ganon kaya hangga't maaari, pababaryahan ko yung pera ko... sa mga lugar na malamang may barya.
Mga bandang before lunch, may bumili ng kendi sa tapat namin. Wala kasi yung bantay kaya sa kin muna binilin na tingnan-tingnan ko. Lumapit si ale. Bumibili ng kendi. Isa lang. Sabay abot ng 500.
Anak ng kagang.
"Wala ka ba'ng barya te? Piso lang."
"Wala eh."
Hindi ako pwedeng umalis para lang magpabarya ng 500 niya dahil meron din ako'ng negosyong binabantayan. Hindi ko pwedeng baryahan ang pera niya dahil ako naman ang mawawalan ng panukli. Sarado din yung kaha ng tindahan ng kendi.
"Ate... Wala ako'ng barya eh."
"Eh bibili ako ng kendi! Ikuha mo ko nung hindi maanghang."
Sarap maging bayolente.
"Ate, pasensya na. Hindi kita mabebentahan ng kendi. Wala ako'ng panukli."
Gusto ko pa nga dugtungan ng, "Try mo sa Jollibee."
Nabadtrip si ate. Sumimangot at umalis matapos padabog na ibinalik ang kanyang 500 sa coin purse niyang maliban sa may 20 na nakasilip eh kumakalansing pa.
Ayos.
December 23, 2011
The Art Of Pagpapabarya
About the Author
Simplest
Hello, I'm Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Nunc consectetur nulla id metus consequat convallis. Praesent fringilla nulla eget elit bibendum dictum.