March 19, 2009

Finals Dementia

Nitong Wednesday, nakapila ako sa registrar para magpatatak ng examination permit. Dala ko pati mga transaction cards ng mga kaklase ko kasi meron silang klase the whole day at wala ng panahon para kumpletuhin yung clearance nila in time for tomorrow. Gagawa pa sila ng mga completion ng requirements kaya since tapos na naman ako at wala naman ako'ng klase (dahil 3 subjects lang ako ngayong sem), ako na ang nag-asikaso. While I was waiting in line for my turn, hindi ko maiwasang marinig ang usapan ng dalawang babaeng IT students na tatawagin kong sina Ana at Fe.

Medyo may kinalaman sa computer yung ilang terms...

ANA : Haay... E-mail pa natin yung code kay Sir. Kailangan pa ba yung soft copy?

FE : Oo. Kailangan pa natin ng soft copy kaya gagastos pa tayo ng print. Hmph, kainis!

ANA : Saan ba ilalagay yung soft copy na yun? Sa sliding o sa folder?

FE : Pwede sa sliding, pwede sa folder... Ako sa sliding ko ilalagay, eh.





"Huh...?"

Teka... WAIT.

Nalito ako dun.

Soft copy ang tawag sa mga files na nakikita natin sa computer. Sila yung inoopen sa computer at sine-save sa hard disk, CD, diskette o USB Flashdrive. Yung kopya ng code na dinidisplay ng computer ang soft copy. Oras na prinint mo yun, ang tawag dun ay hard copy. Sa madaling salita, hindi mo pwedeng ilagay sa "sliding o folder" yung soft copy at gagastos ka ng print kung hard copy ang kailangan mo. Yung tungkol sa sliding folder, hindi na ako magsasalita. Natawa ako sa narinig ko. Hindi tanga ang dalawang babaeng yun. Siguro dala na rin lang ng finals dementia.

de·men·tia
1. Deterioration of intellectual faculties, such as memory, concentration, and judgment, resulting from an organic disease or a disorder of the brain. It is sometimes accompanied by emotional disturbance and personality changes.
2. Madness; insanity.

"Finals Dementia" ang tawag ng iba sa mga nararamdamang kakaiba ng mga estudyante pag pressured na sa finals. Ito yung pagkakataong parang sobrang dami mo'ng inaalala sa school pero wala ka namang matandaan pag iniisip mo na. Ito yung sobrang busy na equation na ang sinasabi mo pag gusto mo'ng magmura. Ito yung napakasakit ng katawan mo kahit nag-iisip ka pa lang. May mga kung anu-ano ka ng ginagawang hindi mo naman dati ginagawa tulad ng pagtikim sa lahat ng kape na nasa harapan mo. Kung anu-ano na rin ang sinasabi mo. Tinatawag din itong "Thesis Dimentia" paminsan. Bangag na sa puyat at pag pumikit ka, puro letters na sa coding window ang makikita mo.

Hindi tulad ng "Dementia", ang Finals Dementia ay isang phase lamang at hindi talaga sakit sa utak. Ito ay reaksyon ng katawan dahil sa pressure na nararanasan nito. Kasama ng Finals Dementia ang puyat, eyebag, tigyawat, blackheads, sakit ng ulo at pananakit ng katawan.

Ano ba ang pagkakaiba ng "Finals Dementia" sa normal na pagod at cramming lang? Ang Finals Dementia ay may mas matinding pressure dahil alam mo na ito na ang grand daddy ng lahat ng bawi. Hindi mo pwedeng sabihing pag bumagsak ka dito, babawi ka next time dahil baka ang next time mo ay "second take" na for summer or next sem. Hindi nababawi ang wheelchair grade oras na nailagay na ito sa ToR. Promise.

Sa normal na cramming, nagmamadali ka para matapos. Sa Finals Dementia, nagmamadali kang matapos para pumasa. Sa normal na cramming, hinihintay mo lang matapos yung hirap mo para sa ginagawa mo ngayon. Sa Finals Dementia, hinihintay mo ng matapos ang sem para matigil na ang lahat ng kalokohang ito. Kaya nga ba bakasyon ang kasunod ng finals dahil tiyak na puputok na ang ulo mo sa dami ng requirements at exams.

Isa pa yang bakasyon na yan. Nadadagdagan ka pa ng pressure dahil nakikita mo yung iba nagsasaya na. Gusto mo ng maranasan yun tapos hindi pa rin pwede kasi "hindi pa finals". Tapos ang masaya pa nito, yung mga tao sa paligid mo na kita ng nagkakandahirap ka kagagawa ng project ay tatanungin ka ng mga sumusunod:

"Sa school ba talaga yang ginagawa mo?"

"Bakasyon na, ah. Bakit may ganyan ka pa?"

"May swimming kami bukas. Sama ka?"

Nakakainis.

Magpapakahirap ka ba sa mga ganung bagay na walang kinalaman sa school? Mukha bang DotA ang Visual Basic at Java? At dahil lang ba gumagalaw ang mga presentation sa PowerPoint, ibig sabihin, pang-Friendster ko yun? At dahil bakasyon na ang iba, ibig sabihin, bakasyon na din dapat ako? At nakakainis sumagot na "Hindi ako makakasama eh" kahit na gustung-gusto mo'ng sumama sa swimming.

Simple lang yung mga tanong pero nakakapikon. Hindi naman sa napakasamang tao nung nagtatanong. Talagang ganun na talaga ang state ng isip ng may matinding Finals Dementia. Nakakainis na ipaliwanag kung ano yung bagay na gusto mo ng matapos. Nakakapagod na paulit-ulit mo'ng i-discuss pa ang sanhi ng pag-iisip mo sa mga taong wala namang kinalaman o maitutulong sa ginagawa mo.

Naranasan ko ng magkaron ng Finals Dementia maka-ilang ulit na at masasabi ko'ng maiiwasan at mababawasan yun kung marunong ka'ng mag-organize ng time at priorities. Unahin ang dapat unahin at maglaan ng tamang oras para sa mga bagay-bagay. Wag kalimutang magpahinga at wag kalimutang tao ka lang. Wag mahiyang humingi ng tulong pero mahiyang mang-abala ng sobra ng iba. Kung manghihingi ka ng tulong, siguraduhin mo'ng magpaparticipate ka sa paghihirap ng tutulong sa'yo hindi yung siya nagpupuyat, ikaw nagsi-swimming. At least stay in the same vicinity as the person para kung puyat siya, puyat ka rin. After all, hindi naman kanya o kanya lang yun.

Lumilipas ang Finals Dementia pagkatapos ng submission ng mga project. Bahagya itong may mga after-effects depende sa pag-aadjust ng katawan mo. Depende din yun sa kung pumasa ka o bumagsak sa exam.

Marso na at patapos na ang klase.

Ikaw, may Finals Dementia ka ba?

0 comments:

Post a Comment