Pinag-aawayan niyo ba ng syota mo ang DotA? Inuuna pa ba niya ang DotA kesa sa’yo? Masyado ba siyang OA pagdating sa pagdodota? Pinagbabawalan ka na ba niyia mag-DotA? Palagay mo ba nambababae siya at dinadahilan lang niya ang DotA? Parati na ba niyang sinasabi na pera para sa DotA meron ka pero panggastos sa kanya ay wala? Pinapili mo ba siya: DotA o girlfriend? Nagulantang o nabwisit ka ba nung pinapili ka niya kung gusto mo ng girlfriend o Dota?
Nagiging third party na ba sa relationship niyo ang DotA?
Sabi nga nila, kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay ang mga kabutihan at problemang dala nito. Dala ng teknolohiya ang computer at sa computer tayo nagdo-DotA... So ang DotA ba ay problema? Well, ang sagot mo ay depende kung ikaw yung girlfriend, yung gamer o yung hero. Hindi na bago ang problemang ‘to kaya bakit hindi natin subukang himay-himayin ang mga pananaw ng bawat side para maging maayos ang lahat?
“Mahilig man ako sa DotA, mahal naman kita!”
Dahil babae ako, baka sabihin nila na biased ako. Uunahin ko’ng subukang ipaliwanag ang side ng mga lalaki dahil generally, medyo hindi nila kayang ipaliwanag ang sarili nila at bihira ko’ng nakikitang naipapaliwanag ang side ng mga lalaki ng hindi nakakabwiset sa mga babae. Ang mga lalaki ay likas na may pagka-insensitive pero hindi naman sila likas na masasama’t walang puso’t mahilig manakit. Hindi sila isinilang para lang mag-deny ng mga tower, magtriple kill ng mga hero at mag-“Beyond Godlike” status. Kung naniniwala kang niligawan ka niya dahil mahal ka niya, ituloy mo ang pagbabasa pero kung ang pakiramdam mo ay niligawan ka niya para gawing display, paglaruan o dahil natutuwa (or usually nagagandahan... totoo yan, boys, aminin niyo), wag mo na ituloy dahil hindi DotA ang problema niyo kung hindi kayo mismo. Ngayon, kung bukas na ang isip mo at handa mo ng intindihin ang Dota Boyfriend mo, basahin mo na ang susunod na paragraph.
Una sa lahat, intindihin mo kung bakit siya nagdo-DotA. Gusto niya yun. Hilig niya yun. Yung mga bagay na nandun na sa buhay niya bago ka dumating, hangga’t maaari, wag mo ng pakialaman. Sinagot mo siya knowing na nagdo-DotA siya. He has to make time for you pero dapat mo ding intindihin na dapat din siyang may time para sa sarili niya dahil kahit pa mag-asawa na kayo, kakailanganin din niya ng personal space. Pasalamat ka nga DotA ang pinupuntahan, hindi casa... este... ano... *ahem*
At ang oras ng pagdo-DotA ay wag mo parating ku-kwistyunin lalo pa kung hindi mo alam kung pano maglaro yun. By experience, masasabi ko’ng hindi sa lahat ng pagkakataon ay natatapos sa loob ng isang oras ang isang game. At hindi rin parating pumapayang ng isang laro lang ang ginagawa dahil dapat “may revenge”. Bakit? Simple lang ang sagot. DAHIL. Tapos. Ganun ang sistema. Kailangan nilang iganti kahit papano ang dangal nila mula sa pagkatalo kahit pa ibig sabihin nun ay baka matalo lang sila ulit. Para mo nang sinabing bakit pa ba may best of three sets pa sa volleyball? OA? Try mo maglaro.
At dahil diyan, matuto kang magpasensiya pag bad trip siya pag talo. Kahit pa paulit-ulit siyang natatalo, “no two losses are the same”. Maaaring pareho ang hero, pareho ang pamamaraan pero magkakaron at magkakaron ng ibang factor compared sa iba niyang laro. Kung badtrip ang boyfriend mo dahil sa natalo siya sa DotA, ito na ang isa sa pinakamagandang pagkakataon para wag kang tumalak, wag kang magmaganda at wag kang mamwiset. Kung wala kang masasabing maganda, tumahimik ka na lang. Wag mo na din piliting sabihing “wag kang mabad trip!” dahil pag ipinilit mo ang pangugulit mo na wala sa lugar, wala kang karapatang sabihing “Dahil lang sa laro nagagalit ka sa kin!”
Hindi naman sa mas importante na ang DotA kesa sa feelings mo. Nagkataon lang na bad trip siya ngayon. Yun na yun. Hindi naman ibig sabihin sinisisi ka niya or what at hindi rin yun ganun kabilis mawala na pagkatapos ng isang malupit na pagkatalo ay happy na ulit...
... Lalo na kung may pusta.
Kung sakaling pumupusta ang boyfriend mo at palagay mo umaabuso na siya, wag mo’ng gagamitin ang linyang “PANGDOTA MERON KA PERO PANG-BLAH-BLAH WALA!?” Big no, no. Hindi ka naman computer game at hindi ka naman for rent. Wag mo gamitin ang line na yun dahil may sarili ka ring luho na medyo unreasonable (lahat ng tao may ganun kahit paminsan-minsan)... Nagkataon lang na hindi yun DotA.
Isa pa’ng issue ang pagtetext habang nagdo-DotA. Ako na ang nagsasabi na napakahirap magtext habang nagdo-DotA. Hindi ko ito sinasabi dahil lang gusto ko silang kunsintihin sa paglalaro nila kundi dahil mahirap talaga. Nakakainis. Nakakapikon. Panalo ka na
At kung sakaling magkatabi kayo habang nagdo-DotA, utang na loob, pilitin mo’ng wag mangulit. Wag ka’ng maya’t mayang magsabing “Friendster ko. Friendster ko.” dahil ang DotA ay walang pause. Ang pause ay pang-emergency lamang tulad ng bathroom break o importanteng pag-alis. Kung hindi rin napansin ng boyfriend mo na bago pala ang style ng make-up mo, wag ka agad magdamdam. Intindihin mo na tutok ang atensyon niya dun sa laro na kahit mangati ang pwet niya ay hindi niya agad kakamutin dahil maliban sa nakakahiya, hindi niya din pwedeng bitawan basta yung mouse o keyboard.
“DotA, DotA... Lagi Na Lang DotA!”
Pero siyempre dapat maipaliwanag din ang side ng mga babae. Ilang libong ulit niyo na sigurong narinig ang side ng mga babae pero ngayon pipilitin ko’ng ipaliwanag ng hindi nakakabwiset masyado. Babae din ako at naiintindihan ko ang mga nararamdaman ng mga babae sa paligid ko. Nagkataon lang na siguro mas bukas ang isip ko pero hindi ibig sabihin nu’n parati na lang mga lalaki ang iintindihin. Dapat maintindihan niyo din ang mga babae. Kung wala kayong interes na unawain sila, magbreak na lang kayo at subukan mo’ng tanungin si Mirana kung pwede ka’ng umagkas sa tigre niya.
Ngayon, kung gusto mo’ng makagawa ng paraan para maresolba ang DotAlakathon ng girlfriend mo, magbasa ka at baka makatulong ako.
Bakit ba kailangan ng mga babae ang atensyon?
Dahil karamihan sa kanila ay ganun talaga. Napakalaking bagay ang mapansin mo ang pabango niya, yung smile niya, yung bagong hair-do niya o kung ano’ng ek-ek pa. Importanteng ikaw ang makapansin. Bakit? Dahil ganun talaga. Ikaw ang boyfriend niya kaya natural lang na paminsan ay hanapin niya yung atensiyon mo.
Kung masyado silang nagpapapansin, isipin mo kung bakit. Hindi naman mga unggoy na sabik ang mga yan. Baka naman may nalimutan ka o may pinangako ka o may problema siya. Ang mga babae ay hindi mga mangkukulam at demonyitang naka-palda. Tandaan mo na mas sensitive ang mga babae kesa sa mga lalaki.
Bakit ba niya sinasabing lagi ka’ng nagdo-DotA? Baka naman talagang yun lang talaga ang ginagawa mo? Pumasok ka sa relasyon na yan kaya dapat matuto ka mag-adjust at magbigay ng time. Hindi pwedeng siya lang ang mag-aadjust sa mga nakasanayan mo. Automatic na din dapat sa’yo ang magbago kahit papano kung mahal mo siya.
At kung pagdating sa text naman, siguruhin mo’ng bago ka magDotA ay magsasabi ka na hindi ka muna makakapagreply dahil kung ako man yun, kahit pa ba sino yang depungal na hero mo, nakakabwiset talaga pag yung katext mo ay biglang nawawala. Intindihin mo na hindi lang yun dahil sa hindi mo siya nireplyan. May puso ang girlfriend mo at kung naniniwala ka’ng mahal ka niya, siguro naman maniniwala ka na pwedeng nag-aalala na pala siya sa’yo kung bakit hindi ka na nagrereply. Akala niya na-snatch yung phone mo o nahold up ka o nagulpi ka o nasagasaan ka o kung napano ka na. Nag-aalala na siya sa’yo tapos malalaman niya lang “Sry puh, ngd0ta puh q0h..” Yun ang dahilan niya kung bakit siya nagagalit. Hindi dahil lang nawalan siya ng kausap. Hindi lang sa DotA. Pag magkatext kayo ng girlfriend mo at kailangan mo’ng umalis ng matagal-tagal at di ka sigurado kung kailan ka babalik, siguro mas mabuti pa na magpaalam ka hindi para payagan ka niya o hindi kundi para alam lang niya na wala siyang dapat isipin o ipag-alala.
Kung ako nga yun, mas gusto ko pa yung nakatulugan ako kesa hindi nagpaalam.
Sabihin na din nating 15 pesos per hour lang ang DotA. Pag sinabi sa’yo ng girlfriend mo na pang-DotA meron ka pero para sa kanya wala, tingnan mo muna. Nakakapaglaan ka nga ba para sa girlfriend mo? Baka naman nagcelebrate kayo ng monthsary sa may kariton ni manong fishball dahil naubos sa pustahan ang pera mo. O baka naman pati yung mga pang-project eh nagagastos mo na ng walang dahilan. O baka naman yung allowance mo, Lunes pa lang, ubos na sa kakaDotA mo.
Hindi yun dahil sa hinahanap niyang gastusan mo siya. Ako ayoko ng ako kumakain, yung boyfriend ko hindi dahil lang wala na siyang pera. Kahit pa sabihin mo na okay lang sa’yo na hindi kumain, na busog ka pa, na kakakain mo lang o ayaw mo kumain, pag alam niya na “hindi ka makakain dahil wala ka’ng pera”, automatic gagana ang utak niya.
Bakit hindi siya kakain? Wala siyang pera. Bakit wala siyang pera? Dahil natalo sa DotA.
Sige nga.
Paminsan-minsan kailangan mo ngang sumugal. Pupusta ka ng malaki para pag nanalo ka, malaki din ang panalo. Basta minsan, hindi parati. Bakit? Dahil hindi ka parating swerte. Hindi ka parating panalo. Hindi ka parating may pera at hindi ka parating makakalusot.
Eh bakit ba kasi kailangang maging ganun ng mga babae?
Bakit? Dahil nga ganun sila talaga. Nasa genetic coding nila yun. Pag sinabing nasa genetic coding, in-born yun. Pag sinabing in-born, ibig sabihin pagkasilang pa lang ganun na sila. Bakit?
Tanong mo kay Lord. Buset.
DotA o Syota?
Ito na siguro ang isa sa mga pinaka-nakakabwiset na tanong. Bakit kailangang pumili sa pagitan ng karelasyon at ng DotA? Hindi naman sila parehong game. Hindi rin sila parehong buhay. Hindi sila parehong narerestart. Hindi rin sila parehong umiiyak.
So bakit?
Ang halos lahat (kung hindi man lahat) ng bagay ay napapagusapan. Sa palagay ko, hindi tamang DotA ang sisihin niyo kung may hindi kayo pagkakaunawaan dahil ang DotA ay factor lang sa isang relasyon. In the end, kayong dalawa lang din ang mag-uusap at kayo lang ang makakapag-compromise. Kung titigil man magDotA ang lalaki ng labag sa loob niya para lang matapos na ang gulo, palagay ko kalokohan yon dahil wala naman kayong naresolba. Hindi yung DotA ang dapat mawala kundi yung hindi niyo pagkakaunawaan. Ngayon, kung ayos lang sa inyo ang magbreak dahil sa DotA, mas mabuti pa’ng magbreak na nga lang kayo dahil hindi totoong relasyon yan. Lokohan lang.
0 comments:
Post a Comment