Ano ang iyong kumpletong pangalan?
Xairylle Schauiaezach.
Sigurado ka?
Oo.
Kailan ka ipinanganak?
November 25
Ilang taon ka na? Yung totoo.
Secret. Hindi mo dapat malaman. Yun ang totoo.
Pwede ka bang tawaging ate?
Oo naman. Wag lang tita, ninang at lalong wag lola at inang. May mga kaklase akong "mamee" o "inay" ang tawag sa kin pero sila lang ang pwedeng tumawag sa kin ng ganun. Wag magmaganda. Ahaha.
Ano ang dream job mo?
Writer pero ayoko nung sa technical writing ha? Saka ayoko nung bawal magbigay ng opinyon masyado. Mahirap yun eh. Nagsulat ako ng article para sa school dati eh nagdugo ang utak ko. Gusto ko din magdrowing. Gusto ko maging programmer. Pero mas super dream ko mag-photographer. Kailangan ko pa nga lang matuto lalo ng photography at para magawa ko yun kailangan ko ng SLR. Wish ko laaaaang~
Ayun naman pala. E bakit hindi na lang photoblog ang ginawa mo?
Kasi nga mahina pa ko sa photography. Saka sa Deviantart ko nilalagay ang mga napipicture-an ko.
Pano ka makakapagpractice kung ganyan ka?
Bakit ka ba nakikialam?
Sorry naman. Sige na nga. Sino ang idol mo?
Yung Tuxedo Team na grupo nina Jin Joson para sa cosplaying. Si Tricia Gosingtian naman sa photography. Ang gagaling na nila eh. Gusto ko sila iuwi tapos ididisplay ko sa shelf ko... Teka, ano?
Ano ang inspiration mo sa pagsusulat?
Yung mga pangyayari araw-araw. Basta na lang nangyayari na "Uy, parang maganda to isulat ahhh!!"
Kung magiging isang hayop ka, ano ka at bakit?
TIGER!! Kasi hindi king of the jungle pero authoritative. Nakakainis mamuno sa lahat ng oras. Minsan, masarap din pumetiks at masarap din na sumuporta lang. Pero ayoko din ng hindi ako pinakikinggan at wala akong kapasidad o kapangyarihan. Kakabanas yun. Tiger dahil orange siya, mabalahibo at cute pero mabangis. Taiga Aisaka ang bansag sa kin nung isang kaklase ko at kumalat na sa ibang tao. Sabi din nung ibang kaibigan ko, nung una daw nila nakita si Taiga, ako daw ang naalala nila. Si Taiga Aisaka kasi ay nicknamed Tenori Taiga o Palm-Top Tiger. Keliit-liit pero parang tiger daw magalit. Ayun. Pero sabi ng isang kakilala ko, para naman daw akong si Haruhi Suzumiya dahil kung anu-ano daw ang naiisipan ko'ng gawin at pag naisipan ko, gagawin ko kahit gano pa ka-weird sa pananaw ng iba. Maingay din daw ako. Pareho kami ng energy. Ayun.
Hayop lang ang tinatanong, ang dami mo ng sinabi. Ganyan ka ba talaga?
Oo. FOREVER. Pag hindi ako ganito, ibig sabihin, AYAW KO SA'YO or nahihiya ako (na madalang) or may sakit ako... yung malala. Kasi minsan pag nilalagnat ako o may sakit ako, lalo ako dumadaldal para di ko maramdaman.
Ano ang ayaw mo'ng makita sa blog mo?
Mga nanggigitatang taong wala sa lugar. Yung mga nagagalit tungkol sa post ko na wala namang sapat na dahilan. Tumatanggap ako ng CONSTRUCTIVE CRITICISM pero katangahan na lang yung magwala ka sa blog ng ibang tao dahil lang hindi mo type yung sinabi ko.
Bakit ikaw hindi ka ba nagwawala sa blog mo?
Sa blog ko? Hindi ah. Kung mangyari man yun, at least sa blog ko at HINDI SA BLOG NG IBA. D-uh.
Ano ang dream guy mo?
Yung mukhang animé. Nakaka-control ng one or more elements. Magaling sa martial arts. Magaling makipagespadahan. Yung katana, ha? Ayoko nung mala-King Arthur na sword. Gusto ko yung medyo kakaiba pero pansinin na hindi outrageous masyado. Atsaka ayoko ng matingkad ang buhok. Mabait saka kaya akong pagalitan pag kelangan ko pero kaya din magpatumba ng 30 tao ng siya lang mag-isa pag may umaway sa kin. Yan ang dream guy!! ♥ ♥ ♥
Ano naman ang ideal guy mo?
Ideal guy yung malambing pero in control. Masyado kasi akong matapang. Hindi uubra sa kin yung matampuhin. Gusto ko yung mas matapang sa kin pero hindi nananakit. Yung may respeto. Yung may modo. Yung husband material. Ayoko kasi ng relasyunang petiks o relasyunang wala lang. Two months, tapos na. Gusto ko yung long-term. Anniversaries. Ganun.
May 31, 2008
Tungkol Sa Kabute
About the Author
Simplest
Hello, I'm Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Nunc consectetur nulla id metus consequat convallis. Praesent fringilla nulla eget elit bibendum dictum.