May 5, 2008

Patakaran

Hindi naman sa nagmamaganda ako o feeling astigin masyado yung blog ko pero katulad ng madaming lugar sa mundo at internet, kailangan talaga ng house rules para naman hindi niyo ko masabihan ng "Wala ka naman sinabing bawal o pwede, ah!"


Bawal ang "flaming" pero pwede ang "constructive criticism".
Flaming - yung nawawala at nagagalit ng walang dahilan o walang maiprisintang tamang dahilan. Kung may dahilan po, sana po sabihin natin ng maayos. Kasi kunwari, ang favorite color ko ay blue at sinabi ko'ng "cute ang blue". Kung sabihin nating palagay mo'ng mas cute ang violet, wag mo'ng ipagpilitang "mas cute ang violet dahil jologs ang blue! mga bulok kayong mahihilig sa blue!" Pwede mo sigurong sabihing, "ah... sabagay. pero para sa kin mas cute ang violet". Parang Kapamilya at Kapuso. Wag niyong awayin ang isa't isa dahil pareho lang silang TV station. Trabaho lang, walang personalan. Respeto lang po.

Bawal ang porn.
Bawal magpromote ng kahit anong kabastusan o kahalayan. Bawal din magstart ng ganung klaseng usapan.

Bawal manuligsa ng panrelihiyong paniniwala.

Igalang ang opinyon ng iba. 
...At igagalang naimin ang opinyon niyo. Ganun lang yun.

Bawal kunin o kopyahin ang anumang ideya na nasa blog na ito na walang pahintulot ko!