September 25, 2009

Group Work Galore

Kung hindi mo alam ang group work, malamang hindi ka nag-aaral. Pero kung nag-aaral ka at hindi mo pa rin alam ang group work, malamang home tutored ka. Kung hindi pa din, magtaka ka na at magisip-isip. Baka akala mo lang, nag-aaral ka.

Pag may pinagawa ang isang prof na may kahirapan, kadalasan ang isa sa mga tanong ng mga estudyante, "Sir/Ma'm, pwede group work na lang yan?" Maliban daw sa masaya, may dalawang dahilan kung bakit mahilig sa group work ang mga estudyante:

1. Pwede kasi magshare. Yung legal na share, ha? Hindi yung illegal sharing A.K.A. kopyahan. Share din kayo sa gastos, share sa kain, share sa hirap, share sa sarap, share sa grade, share sa yellow pad, share sa halos lahat.

2. Ang kabaliktaran ng sharing. Waiting. (Ano?) Pwede kang tumunganga kapag magagaling ang kagroup mo. Hahayaan mo sila mag-isip at titingnan mo na lang ang finished product. Papaexplain mo lahat. Halos walang malalagas na brain cells sa'yo dahil halos spoonfed ka na.

Yan na sa palagay ko ang summarized advantages at disadvantages ng group work. At dahil most of the time ay napapadali ng groupings ang trabaho, hindi mo maiiwasan na magkaron sila ng problema. Parang hindi pa sapat na may problema kayong subjects, meron din kayong problema sa pera, utak at sa mga pasaway na kagroup.

Anu-ano nga ba ang hirap o problemang dinadanas ng mga estudyante pag dating sa group work?

Attendance. Isa 'to sa mga common problems pag may group meeting. Ayaw magsi-attend. O kaya, aattend nga, super late naman tapos wala namang desenteng mabigay na dahilan. Kadalasang dahilan sa hindi pag-attend sa group meeting ay magulang/guardian/family, walang pera, walang naitutulong, tanghali na nagising at sa Tawi-Tawi nakatira o tinatamad (pero hindi niya sasabihin yon kaya mag-iimbento siya ng dahilan tulad ng kailangang i-repair ang roller coaster sa likod-bahay ngayon na dahil bored ang lola niya at tanging siya lang ang marunong magrepair ng roller coaster sa buong baranggay). Paminsan, negligible or excusable naman ang mga dahilan pero may times na hindi na. Yun ang nakakapikon. Tapos pag pasahan na o defense na, peteks mode lang o aabalahin ka para magpaturo "Ano ba ginawa niyo?". Yun ang MAS nakakapikon.

Ayaw payagan. Hindi to madaling i-deal with. Hindi ko maintindihan kung bakit ang mga magulang o guardian eh ginagawang elementary at high school ang college. Hindi naman malayo ang bahay. May pera naman. May araw at susunduin pa. Ewan ko ba. Mahirap na lang magsalita. Isa sa mga paraan para maiwasan 'to eh magpaalam ng maaga. Ugali kasi minsan ng estudyante na ngayon na lalakad, ngayon magpapaalam. Planuhin ang mga group meetings ng maaga para magkaron ng extra time para sa mga aberya. Kung pwede, ipagpaalam ang kagroup pero wag on-the-spot. Magpa-abiso sa magulang. Sabihin kung sino ang kasama. Magbigay ng contact number ng isa o dalawa niyo pang kasama.

Walang pera. Isa pa 'to. Masakit na sa puso, masakit pa sa bulsa. Isang solusyon diyan ang ambagan. Kahit tig-10 o tig-5. Gamitin ang powers ng pambuburaot. Magtipid pag may group work. Wag muna gumastos na parang mayaman (unless mayaman ka). At wag din kuriputin masyado ang group collection dahil grade mo naman yan. Pasalamat ka nga hindi dugo ang binabayad sa tindahan, eh.

Reference. Paminsan, pag hindi tinuro ng prof, sabog na. Tandaan na may library. Madaming theses dun sa loob. Kung hindi sapat ang theses, madaming libro. At kung hindi pa sapat ang libro, hindi lang pang-Friendster o Facebook ang internet. Madaming impormasyon dun at wag lang kayong magrely kay Wikipedia dahil mas madaming alam si Google kesa sa kanya.

Members mismo. Ayun na. Kung hindi na external problem, internal problems na. Isa lang ang pwedeng prevention sa mga problem na "members mismo" at yun ay CHOOSE WISELY. Hindi ito ang time para magbarkada trip kayo tapos pag malapit na pasahan o defense na, mga mukha kayong humitit ng rugby sa katuryungan.

Ngayong alam mo na ang problemang pwedeng kaharapin ng isang grupo sa gawaan ng project, dapat mo namang malaman kung sino ang mga posible mo'ng maging kagroup. Maaaring ikaw ang pipili o ang prof pero kahit ano pa man, dapat maintindihan mo na kailangan mo silang pakisamahan. Kung ikaw ang pipili ng group mates mo, CHOOSE WISELY. Ang group ay hindi laging equal sa barkada maliban na lang kung talagang formidable ang barkada niyo academically speaking pero kung hindi, maging mature kayo at magtry naman makisalamuha sa iba.

Based sa kanyang level of performance, ang isang groupmate ay pwedeng:

Outstanding. Astigin kasma. Madaling pakisamahan at marunong makipag-cooperate.
Standing. Andun lang. Pag hindi mo inutusan, hindi gagalaw. Hanapin ang on-off switch bago isali.
Out. Walang kwenta. Mareklamo, mayabang, tamad, walang silbi, iyakin, moody or all of the above. Babaeng araw-araw may regla o lalaking may matres. Hangga't maaari, wag maging ganito at wag mag sama ng ganito.

Based naman sa kanyang role sa grupo, ang isang groupmate ay pwedeng:

Brainiac. Mga matatalino. Not necessarily geeks pero sila yung mga may alam o pinakamadaming alam. Mga genius daw. Creative din sila at innovative. Madaming ideas. Madaming mashe-share. Tandaang hindi laging brainiacs ang leaders Maganda kung meron kang outstanding brainiac o standing brainiac sa isang group. Malas na lang kung isang out brainiac ang napunta sa'yo. Matalino nga, hinayupak naman.

Worker Bee. Mga masisipag. Kumikilos ng konti o walang reklamo. Hindi tatamad-tamad na nagmamadali na kayong makuha yung pina-print niyo eh lakad-sagala pa ang ginagawa o titigil pa para kumain ng fishball hanggang mabusog. Masipag magresearch at naiintindihan ang dapat gawin.

Palos. Eto naman yung mga maparaan. Resourceful ika nga. Kahit gipit na kayo, makakahanap pa rin siya ng paraan para mapaayos kahit papano ang sitwasyon. Ang mga palos ay creative din. Ang isang outstanding brainiac worker bee palos ang pinakamagandang tipo ng kagroup kaso rare siya. Haha.

Existential. Andun lang. Kahit utusan mo, andun pa rin. Medyo kailangan ng kaunting tulak. May times na hindi lang kaunti at hindi lang tulak ang dapat gawin para kumilos lalo na pag super shy. Minsan, kailangan ng salyahin o sagasaan para lang gumalaw.

Queen Bees. Not necessarily maganda. NAGMAMAGANDA LANG. Applies to both girls and boys. Unnecessary ang mga ginagawa tulad ng excessive na pag hagalpak ng tawa habang kailangan mo ng katahimikan para maisip kung ano ba yung pesteng mali sa code sa program niyo. Ito yung mga text ng text o suklay ng suklay. Ayaw mautusan kasi mainit. Kailangan laging may payong. Ayaw bumili ng meryenda kasi malayo.

Salot. Wala na ngang silbi, pabigat pa. Ayaw umattend ng meeting. Ayaw intindihin ang sinasabi mo. Ayaw mag-ambag. Galit lagi. Galit sa project. Galit sa prof. Galit sa groupmates. Galit sa lahat. Galit sa mundo. Puro hangin. Puro yabang. Puro porma. Wala namang kwenta. O kaya naman, super peteks. Dumudugo na utak niyo at lahat kayo bad trip na, siya joke pa ng joke na wala naman sa lugar. O kaya naman, kayo gumagawa, siya gala ng gala para bumili ng samalamig o yosi every 5 minutes. Walang sakripisyo. Wag na isama 'to EVER.

Hindi ko alam kung meron akong hindi naisama o nalimutan isama sa klasipikasyon ko pero so far, ito pa lang ang alam ko. Maging aware sa mga pwedeng makasama at i-classify ang sarili and be open to have room for improvement.

Patapos na ang sem at next thing you know, March na. Sana nakatulong ang maliit na guide na ito para malaman niyo kung sino ang didikitan niyo at kung sino ang iiwasan niyo. Yun lang~! Thank you!