April 2, 2009

Maingay ang hallway nung mga oras na yun pero sa kung anong dahilan parang wala na siyang naririnig. Dahil ba sadyang madami siyang iniisip sa sandaling yon o dahil masyado siyang abala sa pag-tutok ng atensyon niya sa iisang bagay na mahalaga?

"Aalis ka ba talaga?" Sabi sa kanya ng isang lalaki sa tabi niya kung saan kanina pa nakapako ang paningin niya, "Bakit ka aalis?"

Hindi niya na alam kung ilang ulit na siyang napupundi sa paghahanap ng sagot sa tanong na yun. Hindi sa mahirap sagutin kundi alam niya kung bakit niya gustong umalis pero hindi niya lang maipaliwanag kung bakit. At nakakainis pag merong mahirap ipaliwanag dahil paulit-ulit ka nilang tatanungin. Nakakainis sumagot pero nakakainis ding hindi sumagot. Hindi na niya alam kung saan siya lulugar.

"Bakit ka aalis?" Inulit pa talaga.

Dahilan

Read More


February 27, 2009 nang isulat ko ang blog post na 'to. Wala pa kaming internet nun kaya inintend ko'ng i-upload to pag nakapag-internet na ko sa labas hanggang sa nalimutan ko na. Ngayon, habang nag-aayos ako ng files para makalimot sa isang bagay na bumabagabag sa kin, nakita ko 'to. Nalimutan ko nga kung ano nga ba 'tong file na 'to. Ide-delete ko sana kaso binuksan ko muna at eto nga ang nabasa ko.


----------------

Sorry, Mario… But Our Princess Is In Another Castle

Saksakan ng bwiset yang linya na yan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba ko’ng naglaro ng Mario (kahit ano’ng version pa yan) pero napakadalas ko’ng makita ang linyang ‘to. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ito ang title ng sinusulat ko ngayon. At kagaya nu’n, hindi ko din alam kung bakit ko ‘to sinusulat ngayon.

Ugali ko na talagang magsulat para mailabas kung ano man ang saloobin ko tungkol sa kahit ano — mula sa mamang nagtitinda ng fishball sa labas hanggang sa epic na pang-aapi ng mahirap sa mayaman. Pero sa pagkakataong ‘to, hindi talaga malinaw kung ano ba talaga ang gusto ko’ng isulat.

Ilang araw na din ako’ng bangag sa sarili ko’ng kalituhan. Madaming bagay ang nangyari. Mahirap ikwento dito. Hindi ko alam kung lahat ng tao dumadaan sa ganito basta ako, basag ang orientation ko tungkol sa madaming bagay. Hanggang sa oras na sinusulat ko ‘to, hindi pa rin bumabalik sa tama ang diwa ko. Ngayon ko lang din naranasan na magsulat ng sobrang walang direksyon. Mahirap pala yung tumitig sa screen at pinanonood mo lang kung ano’ng related na salita ang ita-type ng daliri mo.

Kaninang umaga, na-virus ang computer ko. Hindi ko na ikukwento kung san galing yung virus, kung bakit o kung ano. Basta ang importante sa kwento, na-virus ang computer ko. Pinasok ng matindi ang system ko. Wallpaper lang ang natira sa desktop ko. Hirap pati taskbar ko. Gula-gulanit yung mga folder ko. Hanggang sa kasuluk-sulukan ng hard drive ko, may virus. Wala ako’ng anti-virus noon dahil walang kwenta ang mga nakukuha ko’ng kopya. Lahat sila required na i-update ang database through the internet. Eh wala kaming internet. Sinubukan ko’ng mag-install ng anti-virus pero huli na. Bago din kasi yung virus na yun. Nakakatawang nakakaawang IT student pa naman ako’ng naturingan at nanggaling pa man din ako sa Computer Engineering tapos wala ako’ng matinong anti-virus. At ang malupit nun, dahil sa wala ako’ng CD-RW at dahil pati USB Flashdrive ko ay may virus, wala ako’ng nai-backup — KAHIT ISA.

Sorry, Mario… But Our Princess Is In Another Castle

Read More