June 22, 2011


Ang taong nakikita niyo sa larawan ay si Gett. Friend ko siya sa Facebook at sa Plurk (wala na siyang plurk pero dun kami nagkaron ng connection). Hindi ko alam exactly kung pano kami naging connected pero hindi yun ang topic. Ang topic dito ay yung planner. Ang ganda ng planner niya. Nainggit naman ako. Gusto ko din nun... Kaya lang, wala naman ako'ng isusulat. T_T

Bata pa lang ako, astig na astig na ko sa pagkakaron ng organizer. Parang pag sinabi sa yo na, "Uy, alis tayo sa Sabado!" Sasagot ka naman, "Check ko muna sched ko." Astiiiiiig.

Kung Bakit Astigin Ang Planner

Read More

June 15, 2011

Rap.

Aaminin ko na hindi ako fan ng rap. Hindi ako fan ng fliptop. Hindi ako fan ng hiphop. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan ba'ng magmurahan nang magmurahan pag nagra-rap. Hindi nga lang rap ang may murahan na genre pero dito sa Pilipinas, sobrang talamak. Hindi ko maintindihan kung bakit napaka-astig na magawa mo'ng laitin ang ibang tao gamit ang rap. Kahit naman bali-baliktarin mo, panlalait pa din naman yun. Iniba lang yung porma.

Uulitin ko: Hindi ako fan ng rap. Hindi ako fan ng fliptop. Hindi ako fan ng hiphop. Pero para sa kin, ang kantang Elmer ni Gloc 9 ay isang napakagandang art. Malamang ay maging isa sa mga paborito ko ang kantang 'to hindi dahil sa palagay ko astig yung beat o kung ano pang musical style. Para sa kin, gusto ko ang kanta na to dahil buong-buo ang mensahe na pinapahayag sa istilong masa pero sa pamamaraang desente at sibil na punung-puno ng pagkamalikhain o creativity. Hindi ko kailangang maging advocate ng rap para maappreciate yung gawa niya (hindi ko kasi talaga ma-appreciate ang laitan at murahan).

Simple lang ang Tagalog na ginamit.

Walang mura.

Wala ding panlalait ng iba.

Punung-puno ng expression.

Art na matatawag.

Sa tuwing pakikinggan ko ang mga gawa ni Gloc 9 at Francis M, napapaisip tuloy ako: "Pwede naman palang mag-rap ng ganon, bakit kailangan pa'ng magmura?"

Sa sobrang appreciation ko sa "Elmer", gusto ko'ng himayin isa-isa ang sinasabi ni Gloc 9 sa kanta pero napaka-expressive na ng "Elmer" para gawin ko yon. Sapat na lahat ng salita ng kanta para malaman kung ano ba ang ibig niyang sabihin.

Kung hindi mo naintindihan ang kantang "Elmer" (o kung palagay mo ripoff lang siya ng "Stan" ni Eminem), palagay ko dapat pakinggan mo ulit nang may bukas na pag-iisip.

Ang Idol Ko Na Rapper... Ay Hindi Kailangang Gangster.

Read More