January 4, 2011

Gaming Noon Sa Gaming Ngayon


Nung bata pa ko sinasabi ng mga matatanda na, "Nung panahon namin, ang nilalaro namin tumbang preso, habulan, patintero at piko. Ngayon, nakow, kailangan pa ng Family Computer para maging masaya."
Ngayon naman sabi namin, "Noon..."

  • Pag maglalaro ka, kailangan mo RF-converter at dapat nasa Channel 3. Ngayon, audio-video jack na lang tapos may video channel na talaga.
  • Pag ayaw gumana ng "bala" mo, hipan mo. Ngayon, punasan mo yung cd o itagilid mo yung console at baka paling ang lens.
  • Sinasabi ng mga magulang mo na masisira ang TV niyo kaka-bidyogeym mo. Ngayon, sinasabi ng mga magulang mo na buhay mo na masisira pag di ka tumigil kakalaro mo. Hindi ko din naman alam kung san nakuha ng mga tao na nakakasira ng TV ang video games pero at least ngayon napatunayan nating hindi yun totoo. =)
  • Ang meron lang ay Up, Down, Left, Right, Select, Start, A, B. Di nagtagal, nadagdagan sila ng L, R, X, Y. Ngayon meron nang L1, R1, L2, R2, Triangle, Circle, Square, Z, C at kung anu-ano pa. One day baka magkaron ng eyes, nose, ears, mouth etc.
     
  • Ang cheat ay up, up, down, down, left, right, left, right, b, a, b, a, select, start. Ngayon ang cheat ay tinatawag nang "GAME SHARK". Or "go to menu, go to controls and then when... etc etc".
  • Astig na pag may baril ka na pang-Duck Hunt. Ngayon, kahit may Wii ka na, ang dami mo pa'ng add-ons.
     
  • Pag na-deads si Mario at wala ka nang "life", ulit ka sa umpisa. Ngayon, pag na-deads si Mario, pwede mo'ng i-load.
  • Nagse-save ka sa iyong cartridge na may battery. Pag naalog o nabagsak ang cartilage mo o pag naubos ang battery, lagot kang save ka. Ngayon, meron na tayong memory cards at pwede ka pang magback-up para sa mga moments mo sa buhay.
     
  • Pinagtatawanan ng mga may GameBoy ang mga naka-Game And Watch. Ngayon, hindi na malaman ng ilan kung ano ba ang diperensya ng GameBoy (yung black and white) at Game And Watch.
     
  • Masaya na ang may two-players. Ngayon, massive na, multiplayer pa. Nagkaka-developan pa nga yung iba.
     
  • Astig ang Atari. Ngayon, ano daw ba ang Atari. Nararamdaman ko'ng tumatanda ako.
     
  • Kailangan mo'ng imagine-in ang mukha ng bida sa Final Fantasy I. Ngayon, wala pa yung laro, in love ka na sa bida ng Final Fantasy XIII.
     
  • Maiksing pangalan lang ang pwede mo'ng ibigay sa bida mo'ng character. Ngayon, meron na silang pangalan, meron pa silang apelido.
     
  • Isang cartridge per game. Naging multiple-discs tapos naging UMD at storage space sa PSP.
     
  • Magaan at manipis ang controllers. Pag bumagsak sa paa mo, durog ang controller. Ngayon pag bumagsak ang controller sa paa mo, durog ang controller at durog din ang paa mo. 
  • Pupuntahan ka ng kapitbahay niyo para maglaro kayo ng Contra sa Family Computer mo. Ngayon, magkikita na lang kayo sa SF o sa Left For Dead.  
Nakakatuwang sa pag-evolve ng mga games mapa-online man, console o hand-held ay kasabay ding nag-eevolve ang mga gamers. Kayo ba, may naiisip pa kayong kaibahan ng gaming noon sa gaming ngayon?