Biodata, resume, curriculum vitae...
Ito yung summary ng listahan ng mga bagay na kaya mo'ng gawin. Description ng mga bagay na natutunan mo. Listahan ng qualification. Listahan ng history ng pag-aaral. Kumbaga, ito yung printout na titingnan ng mga employer para makilatis ka nila kahit papano. Importante ang resume dahil paminsan, dito nababase kung maiinterview ka ba o hindi. Kung tatawagan ka ba o hindi. Kung ico-consider ka ba o hindi. Madaming takot gumawa ng resume. Madaming nagdadalawang isip kahit mula high school pa lang ay gumagawa na ng resume sa English class.
At dahil sa isang post ng isang kakilala online sa facebook, nainspire ako sa paggawa ng guidelines sa paggawa resume base na din sa experience ko sa pagtingin ng resume ng mga aplikante. In very random order...
---
Respectfully yours,
Xairylle

- Ayusin ang font. Hindi ito ang time para gumamit ng Comic Sans. Hindi din ito yung time para mag-submit ng mga resume na may font size na 72 at bold dahil nahahalatang pinipilit mo lang magmukhang puno yung resume mo. Hindi din ito yung time para magpacute at gumamit ng mga font na sakdal-liit na katulad ng ginagamit sa webpage. ITIM na lang ang gamiting font color. Hindi red, hindi blue, hindi pink. ITIM.
- Wag ka'ng magsubmit ng resume na may e-mail address na may kulay blue na font. Papano kita pagkakatiwalaan kung hindi ka marunong magtanggal ng hyperlink sa MS Word?
- Kung hindi rin lang naman kailangan sa trabaho, wag mo na'ng ilagay ang weight at height.
- Gumawa ka ng matinong e-mail address. Isantabi mo muna si sweetumz14@yahoo.com at si sandamakmakers@yahoo.com. Kailangan nila ng mga taong marunong dumistinguish ng formal/corporate sa casual.
- Isa pa'ng tip sa e-mail address, wag mo'ng ibigay yung e-mail address na nakalink sa Facebook lalo na kung karamihan sa laman ng FB mo ay mga bagay na kakaiba, kahindik-hindik... o ADIK.
- Ang ultimate na batas: KISS o Keep It Simple, Stupid. Kung ano lang ang sasabihin, yun lang. Umiwas gumawa ng papampam na resume. Taliwas sa iniisip ng nakararami, hindi maganda ang mahabang English na di naman kailangan lalo pa't walang sense. Pwede naman sabihing "hard-working", sasabihin pa'ng "works not only hard but also strivingly". ANO DAW?
- Tanggalin ang unnecessary information. Mag-aapply ka sa isang IT department tapos kasali sa resume mo ang skills: Knitting.
- Iwasan ang paulit-ulit na mga information. Pag sinabing "is able to work with Microsoft Office", wag nang sabihing "is able to work with Microsoft Office including but not limited to MS Word, MS Excel, MS Powerpoint etc".
- Kung ilalagay mo diyan, siguraduhin mo'ng kaya mo'ng sagutin. Oras na naglagay ka ng PC Troubleshooting, siguraduhin mo'ng mapapanindigan mo ang PC troubleshooting. Wag na wag mo'ng sasabihing "Ay, naaral lang po namin yan pero di ko pa po na-apply." Maiisip ng employer mo, "So gano kadami pa sa nakasulat dito ang pagpapanggap lang?"
- Hindi padamihan ng page ang resume. Kung pwedeng ma-summarize mo sa iisa o dadalawang page lang, DO IT. Kung hahaba yung resume mo dahil sa dami ng malaman na laman e di maayos. Pero kung pinipilit mo lang dumami ang laman ng resume mo dahil feel mo nakakahiya pag konti, mas nakakahiya yung dumami lang yung page dahil sa spacing at formatting.
- Ang picture sa resume ay iba sa profile picture. Hindi ito yung time para kumuha sa Facebook tapos ika-crop lang. Ang sagwa pag background mo mga putol-putol na body parts ng tao na kasama mo sa group picture. Parang hindi man lang pinag-isipan yung resume. Maglaan ng matinong picture na maayos ang itsura mo at maayos ang background. Wag kang tumapat lang sa pader tapos papapicture ka na gamit yung phone mo na ni hindi ka man lang nagsuklay o nagpulbos. Pero hindi mo din kailangang mag-tadtad ng make up na para kang finger painting ng bata. Siguraduhin ding malinaw ang picture dahil picture ang hinihingi nila, hindi thumbmark.
- May kakilala ako'ng nagsabi na wag gagamit ng graduation picture. Hindi ko na maalala kung bakit.
- Kung may kasama ka'ng mag-aapply sa trabaho, wag kayong magpasa ng resume na parehong-pareho ng laman tapos iba lang ang format at iba lang ang pangalan.
Respectfully yours,
Xairylle