Kahit saan, nakakainis at nakakainip pumila. Minsan nakakainis dahil mahaba ang pila. Minsan dahil mabagal ang service (ke mahaba o maiksi ang pila). Minsan naman, nakakainis yung kasama mo sa pila. Yung pinakahuling dahilan ang nangyari sa min ng friend ko kaninang tanghali. Nakapila kasi kami para i-submit yung High School ToR niya. Ewan ko ba kung bakit dapat kasama pa ko pero anyway, pumila nga kami sa pangalawang window ng registrar kasi dun maiksi. Nung kami na, nakakatuwa namang nagsara ang magandang window.
"Tara, dito na lang tayo." sabi ko sa friend ko, "Sarado na diyan."
Hindi na nagsalita si friend. Lumapit na lang siya sa kin at pumila kami sa dulo ng pila nang biglang nagsalita ang lalaki sa harap namin.
"Ano ba kukunin niyo?" tanong niya.
"Hindi. Magpapasa." sagot ko dahil medyo may katagalan sumagot si friend.
"Ng ano?" tanong ni lalaki.
"Ng ToR." sagot ko na naman.
"Iyan?"
Tinuro ng lalaki yung long envelope na hawak ni friend.
"Oo." sagot ko.
Akala ko ang susunod niyang sasabihin ay may kinalaman sa registrar, sa ToR, sa pila, sa classcard o sa envelope pero NAGKAMALI AKO.
"Contact lens ba yan?" sabi niya sa friend ko sabay turo sa mata nito.
Naka-contact lens kasi si friend. Gray ang suot niya nun. Obvious namang contact lens pero naisip ko baka nagsisiguro si lalaki. After all, sanay na kami sa mga ganung tanong tungkol kay friend kasi nga mahilig siya sa colored contacts (minsan blue, minsan brown, minsan gray... sana next time neon colors naman para adik).
Nagkatinginan kami ni friend.
"Oo." sagot ko na naman. Bagal kasi sumagot ni friend. Sabagay, ganun naman talaga kami. Si Zai ang spokesperson. Ako ang taga-sabi ng gusto nilang sabihin at ako ang taga-receive ng feedback na ipa-process ko saka ko kukunsultahin sa mga expression ng mukha nila kung anong klaseng response ang gagawin ko.
Sa pagkakataong ito, hindi ko gusto ang feedback na nakuha ko.
"Hindi bagay sa'yo." ang mabilis at walang kagatul-gatol na sabi ni lalaki.
Oh-kaaaaay. Ano nga yon? Sino ka nga ulit? Wait, FRIEND ka ba namin? May humingi ba ng opinion mo? Parang ayaw mo'ng mag-comment sa mga total strangers. Wait, WHAT? Kumusta naman ang fashion sense mo, ser? Hindi na lang ako magasasalita.
Titingin dapat ako sa mukha ni friend para tingnan ang reaction niya para makapag-react ako accordingly nang biglang sinundan pa ni lalaki ang sentence niya ng, "Dapat yung sakto lang."
Tiningnan ko si friend. Bakit? Sobra ba sa mata niya yung contact lens? Naging oblong na ba ang iris niya? Tinutulak na ba ng contacts yung talukap niya? Hindi na ba siya makakurap? Lumuluha na ba ang mata niya? Dumudugo? Natatanggal? May katarata? Puro muta? Pero normal si friend katulad ng araw-araw ko siyang nakikita.
"Ano?" ang tanong ko na may pagka-bewildered at medyo pikon na medyo curious (Kasi naman, saktong contact lens? May sizes ba yun?), "Ano'ng sakto?"
"Sakto." sabi niya na parang normal lang talagang gamitin ang term na "sakto" para sa contact lens, "Mukha ka'ng Amerikano. Ikinahihiya mo ba ang pagka-Pilipino mo?"
Aba, aba, aba! PATRIOTIC! Sino ka nga ulit? Baka nakita ko na ang bantayog mo!?
Tiningnan ko si friend. Baka kasi may nakalagay na "PILIPINAS HATE" sa contacts niya o kung american flag ba ang theme ng contacts niya. Baka naman may resemblance sa Statue of Liberty o mukhang Las Vegas lights.
Pero hindi eh. Katulad ng una ko'ng tingin, NORMAL si friend.
Hindi ko din naman nakitang nabawasan ang pagka-Pilipino niya.
Tiningnan ko si patriotic man. Baka kasi bayani pala 'to, di ko pa alam. O senador, congressman, gobernador, mayor, konsehal o kahit man lang ba tanod o officer sa school. Kahit ba familiar face lang. Wala. Hindi ko kilala si patriotic man.
Sasagot sana ako nung magsalita yung isang lalaking kasama niya. Hindi masyadong malinaw pero ang pagkakarinig ko, ang sinabi niya, "Kanya-kanyang trip yan."
"AH GANUN BA!?" sagot ni lalaking patriotic na may kalakasan ng boses na parang siya pa ang nainis, "KANYA-KANYANG TRIP BA YON!? SORRY!!! HINDI KO ALAM."
"Sabi ko..." sabi ng kasma niya habang papaalis na silang dalawa, "... Ayos lang yun kung cute naman."
Normal na araw na pumila kami sa isang normal na pila sa isang normal na registrar. Normal na contact lens ang suot ng normal ko'ng friend.
Ang hindi normal eh yung kausap namin nung oras na yun.
ASSIGNMENT:
Binaril ba si Rizal sa Bagumbayan dahil siya ay epal? Bakit? Ipaliwanag sa tatlo hanggang limang pangungusap.
June 29, 2009
Contact Lens = Hindi Makabayan ... DAW
Tags: Pangyayari
About the Author
Simplest
Hello, I'm Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Nunc consectetur nulla id metus consequat convallis. Praesent fringilla nulla eget elit bibendum dictum.